January 24, 2026

Home BALITA National

Trillanes kay SILG Remulla: ‘Bawas-bawasan ang pagpe-presscon kasi ang dami nang nawawala’

Trillanes kay SILG Remulla: ‘Bawas-bawasan ang pagpe-presscon kasi ang dami nang nawawala’
file photos

Nagbigay ng mensahe si dating Senador Antonio "Sonny" Trillanes IV kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla kaugnay sa paghahanap kay Senador Ronald "Bato" Dela Rosa at iba pang taong hinahanap ng gobyerno. 

Sa panayam ni Trillanes sa Balitanghali ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Enero 23, 2026, itinanong sa kaniya ang tungkol sa paghahain ng ethics complaint laban kay Dela Rosa, na tuloy-tuloy ang pag-absent sa Senado. 

Aniya, tuloy pa rin ang paghahain nila ng ethics complaint.

“In the next few months, we will be filing an ethics case against him kasi tuloy-tuloy ‘yong pagpondo ng gobyerno sa kaniyang opisina pero without any reason ay hindi siya pumapasok," ani Trillanes.

National

'Fruits of hardwork!' Sen. Estrada, ikinatuwa ₱800 umento sa sahod ng mga kasambahay

Dagdag pa niya, "Binibigyan lang natin ng ilan buwan pa para lang—hopefully magbago isip niya—pumasok. Otherwise, dereliction of duty ito.”

Samantala, nagbigay-mensahe si Trillanes kay Remulla kaugnay sa paghahanap kay Dela Rosa. 

"Bawas-bawasan siguro ni Secretary Jonvic Remulla ‘yong kaniyang pagpe-presscon eh mas matututukan niya ang paghahanap kasi ang dami nang nawawala—si Bantag, si Leonardo, heto ngayon si Bato Dela Rosa tapos si Atong Ang," ayon sa dating senador.

"Ang dami nang nawawala eh hindi naman nila mahanap. So, I hope that he is doing his job," giit pa niya. 

Matatandaang noong Disyembre 2025 pa nang sabihin ni Trillanes na handa siyang maghain ng ethics complaint laban kay Dela Rosa.

Maki-Balita: 'Why not?' Trillanes, handang magsampa ng ethics complaint laban kay Sen. Bato

Si Dela Rosa ay nagsimulang lumiban sa mga sesyon sa Senado nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na may warrant of arrest na raw ang International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Kaugnay na Balita: 'Ano ba talaga, Kuya?' Remulla at Remulla, nagkontrahan sa hakbang ng ICC kay Sen. Bato!