January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Rochelle Pangilinan, inspirasyon ang BINI sa reunion concert ng SexBomb

Rochelle Pangilinan, inspirasyon ang BINI sa reunion concert ng SexBomb
Photo Courtesy: Rochelle Pangilinan, BINI (FB)

Ibinahagi ni SexBomb Girls member Rochelle Pangilinan ang inspirasyon sa likod ng kanilang matagumpay na reunion concert.

Sa latest episode ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist noong Huwebes, Enero 22, sinabi ni Rochelle na gusto raw niyang patunayan sa anak niya na isa siya sa mga leader ng isang girl group.

Ani Rochelle, “Alam mo po ba, sa totoo lang, 'yong anak namin ang isa sa mga dahilan kung bakit isa ako sa nag-push ng concert kasi sobrang fan si Shiloh ng [BINI]. So, ngayon kinakanta niya.”

“Tapos sabi ko,” pagpapatuloy niya, “nagyabang ako.  'You know what, 'nak? Ako ang leader dati. I'm the leader before ng isang girl group, which is SexBomb girls.' Sabi ng anak ko, 'You will never be BINI, mom.'”

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

Dagdag pa niya, “Nanggigil talaga ako, madam. Naglingid luha talaga ako. Tinawag ko si Art, 'Be, halika dito! Sabihin mo diyan, ako leader ng SexBomb. Sabihin mo!'"

Matatandaang nauna nang naghayag ng paghanga si SexBomb Girls member Jopay Paguia sa BINI nang sumalang siya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Sobrang proud ako sa BINI no'ng nagkaroon po dito talaga kasi bibihira lang po talaga magkaroon ng P-Pop dito po talaga,” lahad ni Jopay.

Bukod dito, sinabi rin niya na handa umano silang makipag-showdown sa nasabing girl group. 

Maki-Balita: ‘Bakit hindi?’ Sexbomb papalag sa showdown vs. BINI, SB19

Samantala, nakatakdang ganapin sa SM Moa Arena sa darating na Pebrero ang “rAWnd 3” ng kanilang three-night concert. 

Ito ay matapos ang nauna nilang sold out concerts noong Disyembre 2025.

Maki-Balita: Sexbomb Girls, muling hahataw sa ‘rAWnd 3’ finale concert sa Feb. 6!