January 24, 2026

Home BALITA National

Rep. Renee Co, diniin 'filed' na impeachment vs PBBM kahit absent si Sec. Gen. Garafil

Rep. Renee Co, diniin 'filed' na impeachment vs PBBM kahit absent si Sec. Gen. Garafil
Photo courtesy: True FM (YT), MB FILE PHOTO

Naniniwala umano si Kabataan Partylist Rep. Renee Co na naisampa na nila ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kahit absent si House Secretary General Cheloy Garafil sa kaniyang tanggapan noong Huwebes, Enero 22, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Absent daw!' House Secretary General, 'di tinanggap ikalawang impeachment case kay PBBM

Ayon kay Co, sa naging panayam sa kaniya ng True FM nitong Biyernes, Enero 23, sinabi niyang mataas daw ang batayan nilang naisampa na nila ang nasabing reklamo laban sa Pangulo. 

“Mataas po ‘yong batayan natin to siya na ‘yes’,” pagsisimula niya, “Kahit wala pong Secretary General doon, hindi po nire-require na na andon siya para deemed filed ‘yong isang impeachment complaint.” 

National

'Pilipino po ba kayo?' PCG Spox, binanatan Pinoy trolls na pumapanig sa China!

Ipinaliwanag din ni Co ang mga legal na batayan umano nila sa pagsasampa ng impeachment complaint kaya naniniwala silang matagumpay nilang naisampa ang nasabing reklamo. 

“Una, nandiyan ‘yong 1987 constitution under Article 11, Section 3 para simulan ‘yong impeachment complaint,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Tapos manggagaling ito sa citizens. Ang kailangan po, ang complaint ay verified. Ibig sabihin, notarized.” 

Ani Co, dapat din daw na mag-endorso ng nasabing impeachment complaint ang mula sa kahit sinong miyembro ng Kamara. 

“Number two, ito ay endorsed by a member of the House of the Representatives. ‘Yon lang po ‘yong sinasabi. ‘Yong verification ng complaint and therefore ‘yong endorsement,” paliwanag niya. 

Diin pa niya, “Tapos ‘yong House rules, nagdagdag details kung ano ‘yong process for that to happen. Especifically, ‘yong endorsement ng House members, it can come in a form of a resolution.” 

Anang mambabatas, ang Office of the Secretary General daw ang dapat maging venue ng pagpapasahan ng impeachment complaint at hindi si Cheloy.

“And ‘yong venue ng filing should be at the Office of the Secretary General. Hindi po through Secretary General—’yong opisina po niya ‘yong venue of filing. Para masabing completed ‘yong filing, two steps lang talaga ‘yong kailangan. ‘Yong verification ng complaint, ‘yong endorsement, and then ‘yong venue sa office,” paglilinaw ni Co. 

“And ginawa po [namin] ‘yun kahapon. tayo , ‘yong inendorsed nating complaint, iniwan natin sa Office of the Secretary General,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA:  'Absent daw!' House Secretary General, 'di tinanggap ikalawang impeachment case kay PBBM

MAKI-BALITA: Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Mc Vincent Mirabuna/Balita