Minamatahan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapataw ng mas mataas na pabuya para sa kung sino ang makakapagturo sa kinaroroonan ng nagtatagong si Atong Ang.
Sa panayam ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa Unang Balita nitong Biyernes, Enero 23, 2026, iginiit niyang malapit na raw niyang taasaan ang ₱10 milyong kasalukuyang pabuya kay Ang.
“Malapit na. Kung ako mapikon talagang dadagdaga ko na ‘yan,” ani Remulla.
Matatandaang kamakailan lang ng inanunyo ng nasabing ahensya ang halaga ng pabuya sa makakapagsuplong sa kanila sa eksaktong kinaroroonan ni Ang.
KAUGNAY NA BALITA: May ₱10M patong sa ulo: Atong Ang, isa na sa mga 'most wanted' sa Pilipinas!
“Ang DILG po ay maglalagay ng ₱10 milyon patong para sa kaniyang arrest,” anang DILG Secretary.
Paglilinaw pa niya, wala na raw maraming tanong pa ang pagdadaanan ng makakapagturo sa kanila kay Ang at agad-agad daw itong mabibigyan ng ₱10 milyon.
“No questions asked, Basta ikaw yung nagbigay ng impormasyon leading directly to arrest ay ₱10 million na reward na para sa kaniya,” saad niya.
Sa kabila nito, muli ring iginiit ni Remulla ang posibilidad na nakalabas na ng bansa si Ang at kasalukuyan na umanong nasa Cambodia.
“May information na nasa Cambodia. But that’s raw information… Kasi nag-set up siya ng online sabong sa Cambodia,” giit ni Remulla.