January 25, 2026

Home BALITA

'Magpakatigas ka na parang bato!' FPRRD, may Bday wish kay Sen. Bato

'Magpakatigas ka na parang bato!' FPRRD, may Bday wish kay Sen. Bato
Photo courtesy: MB File Photo

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang birthday wish umano ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte para kay Sen. Bato dela Rosa.

Sa isang panayam na ibinahagi ng Facebook account na Wander with Janey noong Enero 22, 2026 at ni-reshare naman ni Atty. Harry Roque nitong Biyernes, Enero 23, binanggit ni VP Sara na ang hiling ni dating Pangulong Duterte para kay Sen. Bato ay magpatigas pa raw.

“Sinabi ko sa kaniya, birthday ni Sen. Bato dela Rosa. Sabi n'ya, 'Happy birthday Senator Bato! Magpakatigas ka na parang bato,” ani VP Sara.

Kaugnay nito, binaggit na rin ng Bise Presidente ang kaniyang hiling para sa kaalyado nilang senador.

Probinsya

Higit 5k security personnel, idineploy para matiyak kaligtasan sa ASEAN Summit

“And of course ako naman, lagi pare-pareho 'yon sa lahat ng tao. Ang aking wish, una, good health. Napakahalaga non. Pangalawa, happiness, mahalaga din sa isang tao 'yong kaligahayan. And siyempre yung pangatlo, success in the year of the horse.”

Matatandaang noong Enero 21 nang ipagdiwang ni Dela Rosa an ika-64 niyang kaarawan, kung saan isang mensahe ang kaniyang ipinaabot sa kaniyang mga tagasuporta.

“Here I am, alive and well, gratefully celebrating 64 years of this God-given life,” anang senador.

Sa ngayon, naghihintay umano siyang mangibabaw ang hustisya. 

Aniya, “I am waiting. Waiting for a true seeking for justice to emerge and take over. Not this threat of fake and foreign meddling, from those who do not and can never know us or be us.”

“If indeed there are cases against me, then I wait for a time and a certainty that I shall be able to face these cases as a Filipino, before Filipinos,” dugtong pa ni Sen. Bato.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 'alive and well' sa kaniyang 64th birthday

Maki-Balita: Inspirasyon! Sen. Robin, karangalang katrabaho si 'Birthday Boy' Sen. Bato

Matatandaang may naghihintay na arrest warrant kay Sen. Bato mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot niya sa giyera kontra droga sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan, nakabantay na umano ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa galaw ng senador ayon sa kalihim nitong si Jonvic Remulla.