January 24, 2026

Home SHOWBIZ

'God wanted me to pray harder!' Ogie Alcasid nanalangin para sa Pilipinas

'God wanted me to pray harder!' Ogie Alcasid nanalangin para sa Pilipinas
Photo courtesy: Ogie Alcasid/FB


Inilahad ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na tila gusto raw ng Diyos na siya ay manalangin pa nang mas taimtim.

Sa ibinahaging social media post ni Ogie noong Huwebes, Enero 22, kinuwento ng singer-songwriter kung paano niya napagtanto ang bagay na iyon.

“This morning after my prayers and devotion, my accountant alerted me that taxes will be paid again and deadline is on Monday,” panimula ni Ogie.

Pagkuwento pa niya, “It can take a toll on us when we see how much we part with for the hardwork we put out and not [know] if our contributions are safeguarded. Perhaps, God wanted me to pray harder for this country.”

Tahasan pang sinabi ni Ogie na “deserve” ng mga Pilipino ang isang tapat na gobyerno.

“We Filipinos deserve an honest government. Lord, please help the Philippines,” pagtatapos niya.

Photo courtesy: ogiealcasid/X

Matatandaang kamakailan, nagsalita rin ang singer-songwriter kaugnay sa korapsyon at katiwaliang lumalaganap sa pamahalaan ng bansa.

"Wag tayong makinig sa sabi sabi lang di tayo bulag sa katotohanan sila sila rin ang nakikinabang sa ninakaw nilang--pera ng bayan wag tayong makinig sa kuwentong kutsero na pinapalabas ng mga usisero matagal na pala ang ganitong proseso mag ingay na tayo mag ingay na po tayo!!!" pagbabahagi ni Ogie sa kaniyang Instagram (IG) post kamakailan.

MAKI-BALITA: Sigaw ni Ogie Alcasid sa paulit-ulit na panlilinlang, pagnanakaw: 'Pilipinas gising na, laban na!'-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA