January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

E-trike driver, muntik mabulag matapos kagatin sa mata ng kapuwa driver

E-trike driver, muntik mabulag matapos kagatin sa mata ng kapuwa driver
Photo courtesy: Contributed photo

Sugatan at halos mabulag na ang isang lalaki matapos siyang kagatin sa mata ng nakaalitan niyang kapuwa e-trike driver sa Cebu City.

Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas noong Huwebes, Enero 22, 2026, nag-ugat ang insidente dahil umano sa pang-aagaw ng biktima sa mga pasahero sa lugar.

Sinasabing naunang magkaroon ng diskusyon ang biktima at unang suspek dahil sa agawan umano ng pasahero. Matapos nito, binalikan daw ng unang suspek ang biktima, kasama ang iba pang mga driver at saka hinarang sa daan kahit na sakay ng biktima ang kaniyang anak.

Bigla umanong hinila ng mga lalaki ang biktima, dahilan upang mawalan ng kontrol ang e-trike at bumangga sa isang tindahan. Ligtas naman ang anak ng biktima.

Probinsya

Taxi driver na tinangkang molestiyahin pasahero niya sa Davao City, tinutugis na!

Doon na raw nakahanap ng pagkakataon na kuyugin ng mga lalaki ang biktima kung saan isa sa mga ito ang kumagat sa kaliwang mata.

Agad namang naitakbo sa ospital ang biktima at maayos na nagamot ang napinsala niyang mata.

Samantala, isa sa mga kumuyog sa kaniya ang nasakote na ng pulisya. Ayon sa ulat, aminado ang suspek na isa siya sa mga nakibugbog sa biktima ngunit mariin niyang itinanggi na siya ang kumagat sa mata nito.

Mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.