January 25, 2026

Home BALITA Probinsya

Baste, Rigo Duterte nanumpa bilang bagong Mayor, Vice Mayor ng Davao City!

Baste, Rigo Duterte nanumpa bilang bagong Mayor, Vice Mayor ng Davao City!
Photo courtesy: City Government of Davao (FB)

Nanumpa na bilang bagong alkalde ng Davao City si Sebastian “Baste” Duterte kasama ang pamangking si Rodrigo “Rigo” Duterte II bilang bagong vice mayor ng nasabing siyudad.  

Ayon ito sa ibinahaging mga larawan ng City Government of Davao sa kanilang Facebook page nitong Biyernes, Enero 23, 2026. 

“Acting Mayor Sebastian Z. Duterte and Acting Vice Mayor Rodrigo S. Duterte II officially took their oaths, by law of succession, as Mayor and Vice Mayor of Davao City, respectively, on Friday, January 23, 2026, at Davao City Hall,” mababasa sa simula ng caption ng kanilang post. 

Screenshot mula sa Facebook post ng City Government of Davao.

Screenshot mula sa Facebook post ng City Government of Davao. 

Probinsya

Coast Guard, nag-abisong mag-ingat sa mga impormasyon tungkol sa MBCA Amejara

Anila, pinangunahan nina Regional Trial Court (RTC) XI Deputy Executive Judge Honorable Marie Estrellita S. Tolentino-Rojas ang panunumpa nina Baste at Rigo. 

“RTC XI Deputy Executive Judge Honorable Marie Estrellita S. Tolentino-Rojas administered the oaths of office to both officials,” saad nila. 

Pagpapatuloy pa nila, dumalo rin sa nasabing panunumpa ng mga opisyal sina Congressman Isidro Ungab,  Department of the Interior and Local Government  (DILG) Davao City Director Mika Chan, at Atty. Martin Delgra.

“Also present during the ceremony were Congressman Isidro Ungab,  DILG Davao City Director Mika Chan, and Atty. Martin Delgra,” pagtatapos pa nila. 

Matapos ito ng pananatili pa rin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa detention center sa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap niyang kaso kaugnay sa umano’y human rights violation sa war on drugs mula 2011 hanggang 2019. 

Matatandaang nanawagan ang International Criminal Court (ICC) sa umano’y mga biktima ng War on Drugs na magbigay ng testimonya sa kanila. 

MAKI-BALITA: ICC, nananawagan sa mga biktima pa ng war on drugs na lumapit sa kanila

Ipinaliwanag sa publiko ng ICC na nag-iimbestiga sila sa umano’y krimeng kaugnay sa War on Drugs na naganap sa Pilipinas mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019. 

“The Office of the Prosecutor of the International Criminal Court is investigating allegations of crimes against humanity perpetrated in the Philippines, including killings, torture and sexual violence, as part of the so-called War on Drugs campaign between November 2011 and March 2019,” mababasa sa caption ng kanilang post noong Enero 16, 2026. 

MAKI-BALITA: PNP, 'di pipigilan mga pulis gustong tumestigo kaugnay sa war on drugs sa ICC

MAKI-BALITA: Pilipinas, nasungkit 'pinakamalalang traffic’ sa Asya; Davao City 'most congested city' naman sa bansa

Mc Vincent Mirabuna/Balita