January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Basta masarap!' BakClash winner, nakachorvahan isang host ng Eat Bulaga

'Basta masarap!' BakClash winner, nakachorvahan isang host ng Eat Bulaga
Photo courtesy: Screenshots from Think Talk Tea (YT)

Naloka ang mga netizen sa pasabog ng "BakClash" winner na si Echo Caringal matapos niyang amining may naka-one night stand siyang sikat na artista, partikular, isa sa mga host ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga."

Ang BakClash ay singing competition segment ng Eat Bulaga mula 2018 hanggang 2019. Matapos manalo bilang grand winner, naging bahagi ng EB si Echo at napabilang sa binuong "BakClash Divas," itinuturing na "first gay pop group."

Nag-guest nga si Echo sa podcast na "Think Talk Tea" ni Kring Kim o tinatawag ding "Madam Kring," at dito ay nag-open si Echo patungkol sa mga naging karanasan niya sa showbiz, kagaya na lang ng kung paano niya naging boss si Unkabogable Star Vice Ganda sa Vice Ganda Comedy Club, at Eat Bulaga stint niya.

Hanggang sa bandang dulo ng podcast, natanong siya ni Madam Kring kung may "nakachorvahan" na ba siyang sikat na artista.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Pag-amin ni Echo, meron na raw, at ang nakakaloka, naging host ito ng Eat Bulaga at sikat masyado.

"Meron ka bang nakachorva sa industriya?" tanong sa kaniya ni Madam Kring.

Nilinaw pa ni Echo kung anong ibig sabihin ng "chorva," at sinabi naman ni Madam Kring na kung ano ang naiisip niya.

Diretsahang sagot ni Echo, meron at artista siya. Nabanggit din ni Echo na hindi raw niya puwedeng sabihin dahil sikat siya masyado.

"May nakasiping ka?" paglilinaw ni Madam Kring.

"One night stand. Hindi naman sa pagmamaganda," sagot ni Echo.

"Anong nangyari sa inyo?" sundot pa ng host.

"Eh 'di pinaligaya namin ang isa’t isa," diretsahang sagot ni Echo.

Sa pagpapatukoy pa ng kuwento, "Inaya niya ako sa bahay nila. Inom-inom lang ng alak... nalasing. Nag-Netflix and chill. Sa sobrang chill tumayo lahat ng dapat tumayo."

"Nagising na lang kami na magkayakap kami. Tapos breakfast in bed. Tapos sabay kaming pumunta sa work," aniya.

Na-shookt naman si Madam Kring at sinabi ni Echo na host talaga ng Eat Bulaga ang tinutukoy niya.

"Ayoko nang tanungin kung sino," nawiwindang na sundot pa ni Madam Kring.

Biro pa ni Echo, "Allan K, chariz!"

"Si Allan K ba?" follow-up na tanong ni Madam Kring.

Bawi ni Echo, "Hindi no! Boss ko 'yon."

Hindi na namuwersa si Madam Kring na tukuyin ni Echo kung sino sa host ang nakachorvahan niya dahil baka nga naman makasuhan siya nang di-oras.

"Hulaan na lang nila kasi mahirap naman talagang mag-ispluk ka eh. Ayaw naman nating i-out ang mga tao, 'di ba?" sabi na lang ni Madam Kring.

"Basta masarap," sabi na lang ni Echo.

Kaya naman, kaniya-kaniyang hula na lang ang mga netizen kung sino sa hosts ng Eat Bulaga ang tinutukoy ni Echo.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang mga host ng Eat Bulaga patungkol dito.