January 24, 2026

Home BALITA

Bangkok to bangko: Babaeng nag-bomb joke sa NAIA, na-offload papuntang Thailand

Bangkok to bangko: Babaeng nag-bomb joke sa NAIA, na-offload papuntang Thailand
Photo courtesy: via MB

Bigong makalipad patungong Bangkok, Thailand ang isang babaeng nag-bomb joke sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. 

Ayon sa mga ulat, idineklara ng babae na mayroon umano siyang dinamita sa kaniyang mga bagahe, dahilan upang sumaklolo ang Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP).

Sa pag-iinspeksyon ng PNP-AVSEGROUP, nakumpirmang walang kahit na anong pampasabog mula sa mga bahae ng babae.

Bagama’t hindi naman nagdulot ng pangamba sa kapuwa mga pasahero ang bomb-joke ng babae, napagdesisyonan ng mga awtoridad na i-offload na lamang ito at isa na rin sa listahan ng mga blocklisted para sa future flights.

Metro

MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

Paalala ng PNP-AVSEGROUP, seryosong usapain ang kaligtasan sa lahat ng paliparan at hindi raw birong usapin ang patuloy na pambabalewala ng ilan sa bomb joke.

Bunsod nito, nagpaalala naman ang mga awtoridad ang publiko na maging responsable sa kanilang pananalita lalo na sa loob ng paliparan at eroplano, dahil ang anumang biro tungkol sa bomba o banta sa seguridad ay may katapat na mabigat na parusa.