January 25, 2026

Home BALITA Metro

Bangkay, natagpuang nakahalo sa mga basura sa Quiapo!

Bangkay, natagpuang nakahalo sa mga basura sa Quiapo!
Photo courtesy: MMDA (FB)

Natagpuan na nakahalo ang bangkay ng isang lalaki sa mga basura sa Quiapo, Maynila nitong hapon ng Biyernes, Enero 22. 

Ayon ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tinatayang nasa 40 hanggang 50 taong gulang ang nasabing bangkay na natagpuang nakadapa sa mga basura sa Quiapo Pumping Station. 

Agad naman daw rumesponde ang Station 14 ng Manila Police District (MPD) sa pakikipag-ugnayan ng MMDA.

Sa kasalukuyan, naipagbigay-alam na rin ng pulisya ang insidente sa Scene of the Crime Operation (SOCO) na nakaatas magsagawa ng imbestigasyon. 

Metro

Buntis, nanganak sa tabi ng kalye!

***Ito ay isang developing story

Sean Antonio/BALITA