January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'2026 na, pa-victim ka pa rin?' Ex-gf ni Kokoy de Santos, nanindigang 'di siya nagloko

'2026 na, pa-victim ka pa rin?' Ex-gf ni Kokoy de Santos, nanindigang 'di siya nagloko
Photo courtesy: realrhen/IG, kkydsnts/IG


Itinanggi ng aktres at model na si Rhen Escaño na niloko niya ang kaniyang ex-boyfriend na si Kapuso actor Kokoy de Santos.

Kaugnay ito sa isang episode ng GMA Network drama anthology na “Magpakailanman,” kung saan ipinakita ang umano’y tunay na buhay ni Kokoy, na tila mapapanood na nagloko umano ang kaniyang ex-gf na isa ring aktres, na hindi naman pinangalanan.

Sa isang Instagram (IG) story na ibinahagi ni Rhen noong Huwebes, Enero 22, tahasan niyang binuweltahan ang narasyon ng nasabing kuwento.

“He made her the villain in his story. She stayed quiet for so long to save him. For years, she chose silence to protect his name even if it cost her own. Pero 2026 na, pa-victim ka pa rin?” saad ni Rhen.

Paglilinaw ng aktres, kahit kailan man daw ay hindi siya nagloko sa ex-jowa. Aniya pa, wala umanong kapatawaran ang ganoong uri ng manipulasyon.

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?



“Once and for all, let me get straight to the point. I NEVER CHEATED ON HIM. Oh, the danger of a one-sided story. Using someone in your ‘life story’ episode to sell lies, play the victim, and damage another person’s career crosses a line. That is not storytelling, it’s cruelty. That kind of manipulation is unforgivable,” anang aktres.

May mensahe rin siya sa mga taong aniya’y naniniwala sa “one-sided story.”

“And to those choosing to believe only one side: if you can’t seek the truth, if you can’t be fair, at least be kind with your words,” pagtatapos ni Rhen.

Photo courtesy: realrhen/IG

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa naglalabas ng anumang pahayag si Kokoy patungkol dito.

Matatandaang naging pribado ang relasyon ng dalawa, hanggang sa napaulat ang pagtatapos nito noong taong 2023.

Vincent Gutierrez/BALITA