Personal na kinumpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbuti ng kaniyang kalusugan nitong hapon ng Huwebes, Enero 22, matapos siyang ma-diagnose ng sakit na “Diverticulitis.”
“I’m fine. I’m feeling very different from the way I was feeling before. Naayos na ‘yong problema. What happened was now I have ‘Diverticulitis.’ It’s a common complaint amongst, apparently, people who are heavily stressed and people who are, I have to admit, growing old,” saad ni PBBM.
Aniya pa, bagama’t dati pa inaabisuhan ng mga doktor na siya ay overworked, hindi pa rin niya magawang magpahinga dahil sa dami raw ng kaniyang trabaho.
Sa pagtatapos ng panayam ng Malacañang kay PBBM, nagbigay pa siya ng maikling mensahe sa mga umano’y gusto na siyang mawala sa puwesto.
“Wag muna kayo masyadong excited. This is not a life-threatening condition. Wag kayong mag-alala. The rumors of my death are highly exaggerated,” saad ni PBBM.
Matatandaang inanunsyo ng Palasyo nito ring Enero 22 na sumailalim sa medical observation si PBBM sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos itong makaranas ng discomfort noong Miyerkules, Enero 21.
MAKI-BALITA: PBBM, sumailalim sa medical observation dahil sa discomfort!—Palasyo
Sean Antonio/BALITA