January 24, 2026

Home BALITA

Revilla, bigong maipasok damit, gadgets sa loob ng piitan

Revilla, bigong maipasok damit, gadgets sa loob ng piitan
Photo courtesy: Ramon Bong Revilla, Jr./FB


Hindi pinahintulutang makapagpasok ng anumang damit o gadget si dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Quezon City Jail - Male Dormitory, matapos itong harangin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa tagapagsalita ng BJMP na si JSupt. Jayrex Joseph Bustinera noong Miyerkules, Enero 21, ang mga hindi awtorisadong mga gamit na sinubukang ipasok ng dating senador ay ipinauwi na lamang sa kaniyang abogado.

“Lahat ng damit na hindi authorized, hindi dilaw, gaya ng civilian plain clothes niya na dala, pinauwi natin ’yon sa kanyang abogado. And other gadgets, pinauwi rin natin dahil bawal ang gadgets,” saad ni Bustinera.

Bunsod nito, pinagsuot na lamang siya ng isang dilaw na T-shirt at jogging pants, na siyang “standard uniform” ng mga persons deprived of liberty (PDL). Binigyan din siya ng extrang T-shirt at hygiene kit.

Noon ding Miyerkules, Enero 21, tiniyak ng BJMP na walang special treatment na ibibigay para kay Revilla.

“Kung ano ho ang kakainin ng isang ordinaryong bilanggo, ‘yon din ang ihahain [kay Bong Revilla], ani Bustinera.

MAKI-BALITA: Alaws VIP treatment! Bong Revilla, kumain ng pechay sa kulungan-Balita

Matatandaang kamakailan, sumuko sa Sandiganbayan si Revilla kaugnay sa kaniyang kinahaharap na kaso patungkol sa pagkakasakot niya sa isang “ghost” flood control project sa Bulacan.

MAKI-BALITA: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA