January 26, 2026

Home BALITA National

Pilipinas, nasungkit 'pinakamalalang traffic’ sa Asya; Davao City 'most congested city' naman sa bansa

Pilipinas, nasungkit 'pinakamalalang traffic’ sa Asya; Davao City 'most congested city' naman sa bansa
Photo courtesy: via MB

Pilipinas ang nangunang “congested country” sa buong Asya habang ang lungsod ng Davao City naman ang “congested city” sa buong bansa, ayon sa tala ng TomTom Traffic Index for 2025.

Ayon sa ulat, ang Pilipinas ang may pinakamalalang traffic na bansa sa Asya na may congestion level na 45%, sinundan ng India at Singapore na parehong may 37%.

Batay pa sa 2025 TomTom Traffic Index, umabot sa 66.2% ang average congestion level ng Davao City, dahilan upang ito ay pumuwesto sa ika-apat sa 75 lungsod sa Asya pagdating sa tindi ng trapiko.

Tinukoy sa ulat ang congestion level bilang ang “average additional time (in percent) lost to traffic in 2025, compared to driving in free-flow conditions.”

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Noong 2024 TomTom Traffic Index, pumuwesto ang Davao City sa ikatlong puwesto mula sa 500 lungsod sa buong mundo, na may congestion level na 49%.

Sa pinakahuling ulat, sinabi na 4.4 kilometro lamang ang karaniwang naibabyahe sa loob ng 15 minuto sa Davao City, habang ang oras na nawawala dahil sa rush hour traffic ay umaabot sa 168 oras o pitong araw at 40 minuto sa loob ng isang taon.

Ang average travel time para sa 10 kilometrong biyahe sa lungsod ay 34 minuto at 17 segundo, habang 14 kilometro kada oras naman ang karaniwang takbo ng sasakyan tuwing rush hour.

Bukod sa Davao City, pumasok din ang Maynila sa 2025 TomTom Traffic Index matapos itong pumuwesto sa ika-40 sa buong mundo at ika-12 sa Asya. Naitala ang 57% congestion level ng Maynila noong nakaraang taon.

Higit itong mas mababa mula sa ika-27 puwesto sa buong mundo at 42% congestion level sa nakaraang traffic index.

Ayon sa ulat, ang average distance na nalalakbay sa loob ng 15 minuto sa Maynila ay 4.4 kilometer, habang ang oras na nawawala dahil sa rush hour traffic ay 143 oras o limang araw at 23 oras.

Ang average travel time para sa 10 kilometrong biyahe sa Maynila ay 31 minuto at 45 segundo, habang 15.2 kilometro kada oras*ang karaniwang bilis ng sasakyan tuwing rush hour.

Dagdag pa sa ulat, hindi nangangahulugan na mabagal ang average speed ng isang lungsod kapag mataas ang congestion level nito.

“The congestion level of a city is based on the dynamic factors that affect its traffic flow. As explained above, congestion is recognized as the difference between free-flow or optimal traffic conditions and actual travel time,” ayon sa TomTom.

Saad pa nila, “Free-flow travel times are based on static factors in each city, making the score relevant to that city's infrastructure and environment. It does not take the same time to drive 10 km without traffic in Amsterdam, the Netherlands, as it does in New York, U.S.A., as they both have different speed limits, road layouts and infrastructure.”