January 26, 2026

Home BALITA Probinsya

PETA, umalma sa viral video ng sawa na ibinalibag sa daan sa Davao City

PETA, umalma sa viral video ng sawa na ibinalibag sa daan sa Davao City
Photo courtesy: Contributed photo

Nanawagan ang People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa publiko na maging responsable at maingat sa pagtrato sa mga hayop, lalo na sa mga ligaw na hayop tulad ng mga sawa o ahas.

Ito ay kasunod ng pagkalat ng isang video kung saan makikita ang umano’y marahas na paghawak sa isang dambuhalang sawa na napadpad sa gitna ng kalsada sa Davao City. Sa naturang video, makikitang hinihila, iniikot, at hinahampas sa semento ang ahas sa halip na tulungan o iligtas.

Naglabas ng pahayag ang PETA bilang reaksyon sa insidente.

“PETA is horrified by the video showing a python that wandered onto a Davao street being violently mishandled instead of helped,” ayon sa organisasyon.

Probinsya

Public school teacher, arestado sa drug buy-bust operation!

Dagdag pa nito, “Philippine pythons are shy, generally docile animals who pose little threat and deserve gentle, respectful treatment. We share this planet with wildlife, and when animals enter human spaces, the normal human response should be mercy and compassion—not fear and cruelty.”

Ayon pa sa PETA, mas nararapat sana na rumesponde ang mga trained authorities upang ligtas na marescue ang ahas at maibalik ito sa natural nitong tirahan.

Nauna nang iniulat na natagpuan ang dambuhalang sawa sa gitna ng kalsada sa Barangay Cabantian, Davao City, noong Lunes ng gabi, dahilan upang pansamantalang huminto ang daloy ng trapiko sa lugar.

Sa video na ibinahagi ni Amerson Sarenas, makikita ang isang lalaki na walang pag-aatubiling hinila ang buntot ng ahas, iniikot ito, at ilang beses na hinampas sa semento. Sa kabila nito, hindi naman nanuklaw ang sawa at kalaunan ay hinila patungo sa gilid ng kalsada.

Sinabi ni Sarenas na hindi na nila alam ang sinapit ng ahas matapos ang insidente. Inamin din niyang nabigla siya hindi lamang sa laki ng sawa kundi pati na rin sa ginawa ng lalaki sa hayop.