January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!
Photo courtesy: Screenshot from Marco Navarra(IG)/Cornerstone Entertainment (FB)

Tuluyan na ngang papasukin ng isa sa mga pinag-usapang hotties sa nagdaang 2026 Lakbayaw Festival sa Tondo, Maynila, na si Marco Navarra ang mundo ng showbiz.

Mula sa mga lansangan ng Tondo, Maynila kung saan isa siya sa mga kinakiligang heartthrobs at nag-viral sa social media, ngayon ay kinuha na siya at nasa pangangalaga na ng Cornerstone Entertainment.

"A new addition to Cornerstone’s roster of talents!" mababasa sa post ng talent management sa kanilang opisyal na Facebook page.

"Marco Navarra, the trending heartthrob from LAKBAYAW 2026 is welcomed by Cornerstone as he officially joins the family!

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

We are excited to work with you," anila pa.

Ibinida rin ng Cornerstone ang pag-guest ni Marco sa "Unang Hirit" at "TikToClock" ng GMA Network.

Isa sa mga inaabangan ng mga netizen si Marco sa nagdaang Lakbayaw Festival, na bukod sa humahamig ng libo-libong likes, shares, at comments ang social media post, kaka-graduate lang din niya ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Operations Management sa Colegio De San Juan De Letran.

Ngayong papasukin na niya ang pag-aartista, excited na ang fans kung anong talent naman ang mai-ooffer niya bukod sa pagsayaw at paghataw.

Kaugnay na Balita: 'Ang sarap este sayang makisayaw!' 'Lakbayaw hotties' na agaw-eksena sa pista ng Tondo