Sinita ng Committee to Protect Journalists (CPJ) ang hatol na “guilty” sa community journalist na si Frenchie Mae Cumpio.
Kaugnay ito sa “guilty verdict” na ipinataw kay Cumpio at sa dating roommate nitong si Mariel Domequil, para sa kasong “terrorism financing” ng Tacloban court, Regional Trial Court (RTC) Branch 45, nitong Huwebes, Enero 22.
Ayon sa pahayag ng CPJ nito ring Huwebes, Enero 22, tila “empty talk” lamang ang binitawang pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa pagpapaigting ng “press freedom” sa bansa.
“This absurd verdict shows that the various pledges made by President Ferdinand Marcos Jr. to uphold press freedom are nothing but empty talk,” saad ng CPJ.
Giit pa nila, “Although the journalist was cleared on the charge of illegal possession of firearms, the ruling underscores the lengths that Philippine authorities are willing to go to silence critical reporting. The Philippines must free Frenchie Mae Cumpio without conditions and stop criminalizing journalists.”
Kabilang si Cumpio at Domequil sa “Tacloban 5” na inaresto ng mga awtoridad sa isang raid noong Pebrero 7, 2020.
Giit naman ng kampo nina Cumpio, aaralin nila ang naturang desisyon at pag-uusapan ang mga legal na hakbang na kanilang isasagawa.
Aabot sa 12 taon hanggang 18 taon ang sentensya ng nasabing kaso.
Vincent Gutierrez/BALITA