January 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Bembang na naman?' Maui Taylor flinex si Wendell Ramos, sinupalpal 'bastos' na netizens

'Bembang na naman?' Maui Taylor flinex si Wendell Ramos, sinupalpal 'bastos' na netizens
Photo courtesy: Maui Anne Taylor (FB)

Hindi pinalagpas ng sexy star na si Maui Taylor ang isang netizen na tila nagbiro at nag-iwan ng "malisya" sa larawan nila ng dating leading man at hunk actor na si Wendell Ramos.

Nakiuso kasi si Maui sa "2026 is the new 2016 trend" kung saan nag-post siya ng throwback photo niya noong 2016.

Ang napili nga niya, larawan nila together ni Wendell.

"2016 trend [winking face emoji] Wendeeeell!" mababasa sa caption.

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

Marami naman sa mga netizen ang kinilig sa kanilang dalawa, at sinabing parang hindi tumatanda ang dalawa.

Sumingit naman ang isang netizen at nag-iwan ng isang bitin na komento, na tila may nais ipahiwatig.

"Imposibleng hindi nag-," aniya.

Bagay na hindi naman pinalagpas ni Maui.

"bembang nanaman? Wala ka na bang maisip kung hindi bembang????" aniya.

Pero biglang kambyo ang netizen, "usap po yan."

Photo courtesy: Screenshot from Maui Anne Taylor/FB

"Nasisi" pa ng ilang netizen si Maui na masyado raw kasing "green-minded" mag-isip ang aktres.

Isang netizen naman ang sumegunda at sinabing ang bitin na salita sa sinabi ng netizen ay "nagsimba."

Pero pambabara ni Maui, "pati simba ginagamit niyo na sa kalokohan niyo…. Hayyyy!!!!!!"

Photo courtesy: Screenshot from Maui Anne Taylor/FB

Sina Maui at Wendell ay nagtambal sa pelikulang "Gamitan" noong 2002 at "Sex Drive" noong 2003.