Inamin sa publiko ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na masakit daw para sa kaniyang makitang maaresto ang kaibigang si dating Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.
KAUGNAY NA BALITA: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process
Ayon sa isinagawang press conference ni Remulla, matapos niyang ipakita ang mugshot nina Revilla at iba pang akusado sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan, nitong Huwebes, Enero 22, hindi niya itinangging nasasaktan umano siyang makitang makulong ang kaibigan.
“Of course. Sino sa inyo dito ang may kaibigan na nakulong?” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “It pains me to see a friend go to jail but my commitment to the country goes beyond friendship… uunahin ko muna ang bansa kahit ano ang mangyari.”
Ani Remulla, pareho rin daw ang nararamdaman niya para sa isa pa niyang kaibigan na si Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez lalo dahil malapit raw silang magkaibigan at magkasama sa fraternity noong kolehiyo.
“Pareho na rin ‘yan kay Speaker Martin Romualdez. He was very close to me in college. Fraternity brothers kami. But my brother and I, pareho kaming lahat sa isang fraternity, masakit sa amin ‘yan kasi marami kaming pinagsamahan,” aniya.
Ngunit diin ni Remulla, lagi raw niyang uunahin ang pagiging tapat sa bansa, kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at sa kaniyang trabaho.
“Pero uunahin natin lagi ang bansa. We have a fidelity to duty and it cannot be broken by friendship and by brotherhood,” paglilinaw niya.
“It is commitment to the country, it is my commitment to the President, it is our commitment to our job,” pagtatapos pa ni Remulla.
Matatandaang kusang sumuko si Revilla kasunod ng kaniyang warrant of arrest at hold departure order na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong non-bailable malversation na may kinalaman sa isang maanomalyang flood control project noong gabi ng Lunes, Enero 19, 2026.
MAKI-BALITA: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'
Matapos nito, naglagak ng ₱90,000 piyansa si Revilla noong Enero 20, 2026, kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kaniya at tinanggap ng Sandiganbayan 4th Division ang piyansa niya patungkol sa graft case, na maituturing namang bailable, alinsunod sa batas.
MAKI-BALITA: Revilla nagpiyansa sa graft case, kulong pa rin dahil sa malversation case
Gayunman, hindi pa rin pinahihintulutang makauwi si Revilla matapos maglabas ng kautusan ang Sandiganbayan Special 3rd Division na ilagay siya sa pansamantalang kustodiya sa New Quezon City Male Dormitory Jail sa Payatas.
Batay naman ito sa kasong malversation na kinakaharap ng dating senador, na may kaugnayan pa rin sa parehong proyektong ipinagkaloob sa isang kontratista noong Marso 2025.
MAKI-BALITA: Alaws VIP treatment! Bong Revilla, kumain ng pechay sa kulungan
MAKI-BALITA: 'This is detention by privilege!' Prisoner support group, ipinanawagan paglipat kay Revilla sa ordinaryong selda
Mc Vincent Mirabuna/Balita