January 24, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Bad!' Andrea Del Rosario, sad at dismayado sa 'young artistas' ngayon

'Bad!' Andrea Del Rosario, sad at dismayado sa 'young artistas' ngayon
Photo courtesy: Andrea Del Rosario/FB

Usap-usapan ang naging tila pagkadismaya ng aktres na si Andrea Del Rosario sa "young artistas" o batang henerasyon ng mga artista sa kasalukuyan.

Mababasa ito sa kaniyang social media post noong Martes, Enero 20.

"Wow, young artistas now a days! Bad!" aniya.

May hashtags pa itong "#sad" at "#disappointed."

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Photo courtesy: Screenshot from Andrea Del Rosario/FB

Hindi naman tinukoy ni Andrea sa kaniyang post kung sinong young artistas ang pinatutungkulan niya, at kung sa aling proyekto ito.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens sa kaniyang post:

"Not all po but yeah… encountered some and yes… disappointing mostly."

"Iba na talaga ang takbo ng pag iisip ng mga kabataan NGAYON."

"Mag-Dina Bonnevie attitude activate ka Ms. Andrea."

"Me too!!! I am sooooo disappointed !! Not surprised but yes super sayang hahahaha."

Si Andrea Del Rosario, bukod sa pagiging aktres, ay nakilala bilang isa sa mga miyembro ng Viva Hot Babes na kasabayan ng SexBomb Girls noon.