Inanunsyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board - NCR na magsisimula na sa buwan ng Pebrero ang umento sa sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila.
Nasasaad sa Wage Order No. NCR-DW-06 na mula sa ₱7,000 kada buwang minimum wage rate ng mga kasambahay, ito ay magiging ₱7,800 na kada buwan.
Saklaw ng naturang umento ang mga general househelp, yaya, cook, gardener, laundry person, o kahit sinong regular na gumagawa ng domestic work sa isang tahanan bilang kaniyang trabaho.
Pasok dito ang lahat ng domestic workers—live-in o live-out man ang “arrangement.”
Samantala, hindi naman saklaw ng nasabing wage hike ang mga sumusunod:
a. Service providers
b. Family drivers
c. Any other person who performs work occasionally or sporadically and not on an occupational basis
Photo courtesy: Regional Tripartite Wages and Productivity Board - NCR
Inaprubahan ang wage order noong Enero 15, 2026, at inaasahang magiging epektibo sa Pebrero 7, 2026.
Vincent Gutierrez/BALITA