January 26, 2026

Home BALITA

Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; pinutakti ng mga ipis at daga sa kulungan

Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; pinutakti ng mga ipis at daga sa kulungan
Photo courtesy: vitalythegoat (IG)

Binalikan at ibinahagi ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa kaniyang social media account ang ilang mga larawan niya sa mga panahong nakakulong siya sa Pilipinas hanggang sa makabalik siya sa Russia matapos siyang ipa-deport. 

KAUGNAY NA BALITA: Bring him home! Pasaway na Russian vlogger, pinalayas na sa Pilipinas

Ayon sa Instagram post ni Vitaly nitong Miyerkules, Enero 21, makikita ang ilang mga larawan niya sa loob ng piitan sa bansa at ang video niya sa pagbalik sa Russia. 

Ani Vitaly, opisyal na raw siyang malaya matapos ang 290 araw na pagkakakulong sa piitan dito sa Pilipinas kasama ang mga daga, ipis, at pagtitiis sa 35 celsius na init ng panahon. 

Probinsya

4-anyos na bata, patay matapos lunurin ng sariling ina!

“After 290 days in the [Philippines] jail with rats, cockroaches, and +35 Celsius weather, I am finally free,” pagsisimula niya, “They really tried to break me but it built me.” 

Photo courtesy: vitalythegoat (IG)

Photo courtesy: vitalythegoat (IG)

Anang vlogger, ginugol daw niya ang 91 na araw sa panahon ng kaniyang pagkakakulong nang nasa isolation ngunit buong pagmamalaki niyang hindi siya sumuko.

“Out of the 290 days, I spent 91 days in complete isolation. They wanted me gone but I’m here, all glory to GOD!” aniya. 

Nagawa ring pasalamatan ni Vitaly ang mga taong nasandalan niya at ibinalita niya sa kaniyang mga tagasuporta na maglalabas siya ng dokumentaryo.

“Without faith it wouldn’t be possible, thank you to everyone who had my back during these difficult times, I appreciate you… your boy is BACK!! Full documentary coming soon!” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang lumarga pabalik sa Irkutsk, Russia ang si Vitaly noong Sabado, Enero 17, sa paglabas ng deportation order laban sa kaniya, nang matapos na ang halos siyam na buwang pagkakadetine sa Pilipinas dahil sa reklamong harassment.

MAKI-BALITA: Bring him home! Pasaway na Russian vlogger, pinalayas na sa Pilipinas

MAKI-BALITA: Russian vlogger na nang-harass sa BGC, ipade-deport na!

Mc Vincent Mirabuna/Balita