January 24, 2026

Home BALITA National

Rep. Valeriano kay Rep. Barzaga: 'Pakabait na siya... meow!'

Rep. Valeriano kay Rep. Barzaga: 'Pakabait na siya... meow!'
Photo courtesy: via MB

May simpleng mensahe si Manila 2nd District Rep. Roland Valeriano sa kinasuhan niya ng cyber libel na si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga, nitong Miyerkules, Enero 21.

Natanong ng media si Valeriano kung anong masasabi niya tungkol kay Barzaga.

"Pakabait na siya..." aniya.

Pagkatapos, natatawang idinugtong niya ang "meow" na associated kay Barzaga na tinatawag ding 'Congressmeow" dahil sa pagkahilig sa mga pusa.

National

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT

Nag-ugat ang reklamo ni Valeriano laban kay Barzaga, sa naging Facebook post ng huli noong Enero 9, 2026, na umano’y pagtanggap ng kickback ng mga congressman na miyembro ng National Unity Party (NUP).

Personal na nagtungo si Valeriano sa Manila City Prosecutor kasama ang kaniyang abogado nitong Miyerkules, Enero 21, upang magsampa ng nasabing kaso laban kay Barzaga.

Ani Valeriano, nasira at naapektuhan na raw ni Barzaga ang kanilang samahan dahil umabot na sa 16 milyong bilang ang mga nakabasa at nakakita ng kaniyang naturang post.

Bago nito, matatandaang nauna nang sampahan ng kasong cyber libel ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno si Barzaga sa Office of the Prosecutor sa Antipolo City dahil din sa naging Facebook post ng nito noong Enero 9, 2026.

Bukod dito, nagsampa rin ng cyber libel ang business magnate na si Enrique Razon laban sa mambabatas dahil sa umano'y mapanirang posts laban sa kaniya.

Kamakailan lamang, nagsabi si Barzaga na handa siyang makipagkita kay Razon nang personal at humingi ng tawad sa mga nasabi niya.

Kaugnay na Balita: Reklamo na naman? Rep. Kiko Barzaga, kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano