January 26, 2026

Home BALITA National

Reklamo na naman? Rep. Kiko Barzaga, kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano

Reklamo na naman? Rep. Kiko Barzaga, kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano
Photo courtesy: via MB

Sinampahan ni Manila Rep. Rolando Valeriano ng kasong cyber libel si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay sa naging Facebook post nito patungkol sa umano’y pagtanggap ng kickback ng mga congressman na miyembro ng National Unity Party (NUP) noong Enero 9, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: Sey ni Barzaga: NUP Congressmen, tumanggap umano ng 'lagay' kay Enrique Razon kapalit ng suporta kay Romualdez

Ayon sa mga ulat nitong Miyerkules, Enero 21, personal na nagtungo si Valeriano sa Manila City Prosecutor kasama ang kaniyang abogado upang magsampa ng nasabing kaso laban kay Barzaga. 

Ani Valeriano, nasira at naapektuhan na raw ni Barzaga ang kanilang samahan dahil umabot na sa 16 milyong bilang ang mga nakabasa at nakakita ng kaniyang naturang post. 

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

“Wala pa at saka the damage has been done,” pagsisimula niya, “16 million of views at ngayon, tingin ko, ang tingin nila [ay] flavor of the month ‘yong mga congressman, ‘di ba?” 

Dagdag pa niya, pangit o hindi raw maganda na ginagamit ni Barzaga ang ganoong sitwasyon para lang sumikat. 

“Pangit naman ‘yong ganoon na kina-capitalize mo ‘yong ganoong sitwasyon para lang sumikat ka. So, hindi maganda ‘yon,” saad pa niya. 

Bago nito, matatandaang nauna nang sampahan ng kasong cyber libel ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno si Barzaga sa Office of the Prosecutor sa Antipolo City dahil din sa naging Facebook post ng nito noong Enero 9, 2026. 

MAKI-BALITA: DS Ronaldo Puno, kinasuhan ng cyber libel si Rep. Kiko Barzaga

Depensa ni Puno, malisyoso at malinaw daw na intensyon ni Barzaga na sirain ang reputasyon ng NUP nang walang kahit anong basehan.

Dagdag ng Deputy Speaker, hindi raw puwedeng basta na lang mag-akusa si Barzaga sa kaniyang Facebook page sa NUP at asahang hindi iyon makikita ng milyon-milyong netizens.

Nahaharap si Barzaga sa mga kaso ng iba’t ibang mga elemento ng cyber-libel sa ilalim ng Section 4(c)(4) of Republic Act No. 10175, na may relasyon sa Articles 353 at 355 ng the Revised Penal Code, bilang amended sa Republic Act No. 10951.

Samantala, habang sinusulat ito, wala pang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si Barzaga kaugnay rito. 

MAKI-BALITA: Congressmeow, nag-sorry kay Enrique Razon—Mon Tulfo

MAKI-BALITA: Extended? Suspensyon kay Rep. Barzaga, posibleng pahabain pa ng nakaambang 2nd ethics complaint

Mc Vincent Mirabuna/Balita