Hindi pa man natatagalan mula nang mapinsala ang ulo, napuruhan naman ngayon ang tuhod ni ni SexBomb Girls member Jopay Paguia.
Sa latest Instagram post ni Jopay noong Martes, Enero 2, ibinahagi niya ang larawan niyang kuha sa loob ng ospital habang suot ang surgical gown.
Ito ay sa gitna ng kanilang promotion para sa pinakabagong round ng kanilang matagumpay na reunion concert.
“Operation day. Trusting God completely,” saad ni Jopay sa caption.
Dagdag pa niya, “‘Do not fear, for I am with you.’ – Isaiah 41:10.”
Nagpaabot naman ng panalangin ang mga netizen para sa agarang paggaling ni Jopay. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Praying for your fast recovery"
"Praying for u my nanak!!! "
"May God bless you comfort and speedy recovery, May God grant wisdom to the doctors"
"Sending healing prayers for you, @jopaypaguiazamora. All will be well, In Jesus’ Name."
"Speedy recovery JopsDivine Healing & Protection to you and family"
"Get well lods naku hndi makakasayaw ang SB jopay namin "
"Everything will be okay. In Jesus name!"
Matatandaang kamakailan lang ay isinugod din si Jopay sa ospital dahil sa head injury matapos siyang mabagsakan ng tiles sa ulo at likod.
Sumailalim siya sa MRI at CT scan. Matapos ito, pinayuhan siya ng doktor na magpahinga muna.