Nagbigay ng reaksiyon si Unkabogable Star Vice Ganda matapos buweltahan ng kaniyang “It’s Showtime” co-host” na si Anne Curtis ang basher nito.
Matatandaang walang pakiyemeng sinagot ni Anne ang basher na nairita sa page-English niya sa teaser trailer ng “The Loved One.”
"Kakairita, english english ang mga dialogue," anang netizen.
Sagot naman ni Anne, "Di wag ka manood."
Kaya sa X post ni Vice nitong Miyerkules, Enero 21, mahihiwatigang nagustuhan niya ang panunupalpal ni Anne.
Aniya, “Ayyyyy may umorder ng pika with free delivery!!!!! Waaaahhhhh!!!! Loveetttee!!!”
Umani tuloy ng samu't saring reaksiyon mula sa mga netizen ang retweet ni Vice. Narito ang ilan sa kanilang hanash:
"yung mga tao kasi bash ng bash kala mo naman talaga sila nagpapakain sa mga artista"
"I was a little surprised to hear that! "
"Napa deactivate yung basher meme."
"wahahaha sana mag guest sa showtime meme noh? charrr, miss ko na kayong dalawa magkasama "
"Proud sisterette"
"Barda era ng Dyosa. "
Maki-Balita: 'Di wag kang manood!' Anne Curtis tinalakan basher ng bagong movie niya
Idinirek ni Irene Villamor ang bagong pelikulang ito na pagbibidahan ni Anne kasama sina Jericho Rosales at Catriona Gray.
Nakasentro ang kuwento ng “The Loved One” sa dalawang dating magkasintahan na muling magkikita at mapipilitang harapin ang mga hindi naresolbang isyu nila sa isa’t isa.
Maki-Balita: Catriona Gray, sasabak na sa aktingan sa Anne-Jericho movie