January 24, 2026

Home SHOWBIZ

Juliana Parizcova Segovia, tutol sa pagsali ng transwoman sa female pageants

Juliana Parizcova Segovia, tutol sa pagsali ng transwoman sa female pageants
Photo Courtesy: Juliana Parizcova Segovia, Miss Universe (FB)

Iginiit ni Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia ang mahigpit na pagtutol niya sa pagsali ng mga transgender woman sa mga presitihiyosong pageant tulad ng Miss Universe at Miss Grand International.

Sa latest episode kasi ng “Ogie Diaz Inspires” noong Martes, Enero 20, nausisa ang posisyon ni Juliana hinggil sa nasabing isyu.

Ani Juliana, “2018 pa lang sinagot ko na rin ‘yan. Hindi [ako sang-ayon], kasi iba ang culture natin, Mama Ogs, e. Iba ‘yong respeto natin sa mga tunay na babae."

“So ako,” pagpapatuloy niya, “kung magdi-disagree sa akin ang mga trans sister ko, kasi ganyan ang palagi nilang rebutt, e, ‘Palibhasa hindi ka mukhang babae, hindi ka naman feeling babae!’ “

Relasyon at Hiwalayan

Jake Cuenca, naispatang may bago nang bebot?

“Sa akin kasi, hindi naman 'yon ang point. [...] Choice mong pagdaanan 'yan kasi nga choice mong maging mukhang babae. Pero ang pinag-uusapan natin dito 'yong biological woman. Kanila 'yon, e,“ dugtong pa ng Miss Q&A Season 1 Grand Winner.

Matatandaang Disyembre 2025 nang ianunsiyo ng Miss Grand International na maaari umanong lumahok sa kanilang patimpalak ang mga kandidatang transwoman sa kauna-unahang edisyon ng MGI All Stars.

Maki-Balita: 1st Miss Grand International All Stars, puwede lahukan ng transgender women—MGI

Samantala, pitong taon bago ito, nauna nang lumikha ng makasaysayang hakbang ang pambato ng Spain na si Angela Ponce matapos lumahok sa Miss Universe 2018 bilang kauna-unahang kandidatang transgender.