Nagpaabot ng taos-pusong pagbati si Sen. Robin Padilla para sa kaarawan ng kasamahang si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kalakip ang papuri sa pamumuno at patuloy na paglilingkod ng huli sa bayan.
Sa kaniyang mensahe, inilarawan ni Padilla bilang isang karangalan ang makasama at makatrabaho si Dela Rosa sa Senado, na aniya’y isang lider na hindi natatakot manindigan para sa kung ano ang tama.
Binigyang-diin din ng senador ang tapang, malasakit, at tunay na hangarin ni Dela Rosa na maglingkod sa sambayanan, na aniya’y malinaw na nakikita sa bawat laban at isyung hinaharap nito.
Ayon pa kay Padilla, hindi lamang lider si Sen. Dela Rosa kundi isa ring inspirasyon sa kanilang mga kasamahan sa pamahalaan na patuloy na lumalaban para sa isang mas maayos at mas maunlad na Pilipinas. Nagpasalamat din siya sa walang sawang serbisyo ni Dela Rosa at sa patuloy nitong pagtupad sa tungkulin bilang lingkod-bayan.
"Isang karangalan na makasama at makatrabaho ang isang lider na hindi natatakot manindigan para sa tama. Sa bawat laban, kita ang tapang, malasakit, at tunay na hangarin na maglingkod sa bayan. Hindi lang po kayo lider, isa kayong inspirasyon sa amin na patuloy lumalaban para sa mas maayos na Pilipinas," aniya pa.
Tinapos ni Padilla ang kaniyang pagbati sa pagbibigay-pugay at pagbati ng mabuting kalusugan at patuloy na lakas ng loob para kay Sen. Dela Rosa, kasabay ng panawagang ipagpatuloy ang adbokasiya para sa kapakanan ng bansa.
Samantala, naglabas din ng pahayag si Dela Rosa para sa sariling kaarawan.
"Here I am, alive and well, gratefully celebrating 64 years of this God-given life,” anang senador.
Sa ngayon, naghihintay umano siyang mangibabaw ang hustisya.
Aniya, “I am waiting. Waiting for a true seeking for justice to emerge and take over. Not this threat of fake and foreign meddling, from those who do not and can never know us or be us.”
“If indeed there are cases against me, then I wait for a time and a certainty that I shall be able to face these cases as a Filipino, before Filipinos,” dugtong pa ni Sen. Bato.
Maki-Balita: Sen. Bato, 'alive and well' sa kaniyang 64th birthday