January 24, 2026

Home BALITA

DOJ, walang natanggap na feelers ni Zaldy Co sa hiling na makipagdayalogo?

DOJ, walang natanggap na feelers ni Zaldy Co sa hiling na makipagdayalogo?
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, BALITA FILE PHOTO

Nilinaw sa publiko ni Department of Justice (DOJ) acting Secretary Fredderick Vida na tila wala raw silang natanggap na “feelers” mula sa hiling ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na makipagdayalogo sa gobyerno. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Kung bribe, wag na!' Zaldy Co, gusto na raw makipag-dialogue sa gov't—SILG Remulla

Ayon sa naging pahayag ni Vida matapos niyang hintayin sa tanggapan ng DOJ ang engineer na si Henry Alcantara nitong Miyerkules, Enero 21, sinabi niyang wala raw sa kaalaman niya o ng kanilang departamento na may pinadala ng feelers si Co. 

“Not to my knowledge and to the extent of my office that has knowledge,” pagsisimula niya. 

Metro

Valenzuela City Councilor, sinita sa umano’y maluhong pamumuhay

Sinagot din ni Vida ang tanong tungkol sa kung makakaapekto ba raw sa kinakaharap na mga kaso ni Co sa DOJ ngayon ang ipinadala nitong mga “feelers” na nakarating kay Department of Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla. 

“‘Yong on-going investigations, may mga proseso ito. Will [it] affect? Of course, we don’t way evidences na wala naman doon sa proseso,” paglilinaw niya. 

“So, kapag sinabi mo lang na feelers, paano makakaapekto ‘yon?” kuwestiyon pa niya. 

Ani Vida, walang ibang pinagbabasehan ang mga fiscal at prosecutor kundi ang mga pira-pirasong ebidensya lamang na nakakarating sa kanila kaya hindi raw makakaapekto sa imbestigasyon ng mga kaso laban kay Co ang ipinadala nitong feelers. 

“Kasi, syempre, ang pagbabasehan ng ating mga piscal, ng ating mga prosecutors, ‘yong pag-eevaluate ng pira-pirasong mga ebidensya ay kung ano ‘yong sina-submit sa kanila. So I don’t think feelers will have any [effect],” paliwanag niya. 

“DOJ is a big department but to the extent of my knowledge, I cannot comment on things that I do not know and I don’t want to. That would be irresponsible,” pagtatapos ni Vida. 

Matatandaang inilahad ni Remulla nito ring Miyerkules na may nakarating na impormasyon sa kaniya na nagpapahiwatig na umano’y bukas si Co sa pakikipag-usap sa gobyerno.

MAKI-BALITA: 'Kung bribe, wag na!' Zaldy Co, gusto na raw makipag-dialogue sa gov't—SILG Remulla

“Meron na siyang feelers na through sa mga ibang pari na kilala niya… parang nagpapa-connect na gusto ng dialogue sa amin. Pero of course, that’s not verified. Parang nagsabi pa lang. Sinabi ng sinabi ng kaibigan na pinaparating. We take them seriously. ‘Yong gustong makipag-dialogue, kakausapin namin ‘yan,” pahayag ni Remulla. 

MAKI-BALITA: 'Di ako nakikipagnegosasyon sa kriminal!' PBBM binuking si Zaldy Co, namblackmail?

MAKI-BALITA: 'Maghintay sila ng asunto!' Kampo ni Zaldy Co, magsasampa ng kaso?

Mc Vincent Mirabuna/Balita