Tila nagtaray ang Kapamilya actress na si Anne Curtis matapos magpahayag ng saloobin ang isang netizen hinggil sa bago niyang pelikulang “The Loved One,” kasama ang kapwa aktor na si Jericho Rosales.
Tila binash kasi ng naturang netizen ang inilabas na official trailer ng pelikula, na ibinahagi ni Anne sa kaniyang X account noong Martes, Enero 20.
Ayon sa komento nito na ngayo’y deleted na, naiirita daw siya sapagkat panay ingles ang mga dayalogo.
“Kaka irita, english english ang mga dialogue,” anang netizen.
Hindi naman nagpapigil at walang preno-preno bumwelta si Anne sa patutsada ng netizen.
“Di wag kang manood,” talak ni Anne sa kaniyang X post nitong Miyerkules, Enero 21.
Umani naman ng samu’t sarong reaksiyon mula sa netizens ang ginawang pagresbak ni Anne sa nasabing basher.
“Get him!”
“Tomooooo”
“Not today satan”
“naglaho na sa kawalan ang post at account ni bakla hahahaha”
“Not today, bakla. Bunot ka tuloy for today’s video HAHAHA”
“Haha! Just a random gay guy. A nobody”
“Lurve it!! Dapat sinabihan mo yung basher ng ‘I can buy you, your friends, and this club!’ Go Dyosa!!!!”
Inilabas ang teaser ng “The Loved One” noong Lunes, Enero 19, at mapapanood naman sa mga sinehan sa Pebrero 11, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars-Balita
KAUGNAY NA BALITA: Catriona Gray, sasabak na sa aktingan sa Anne-Jericho movie-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
'Di wag kang manood!' Anne Curtis tinalakan basher ng bagong movie niya
Photo courtesy: Anne Curtis/IG, Cornerstone Studios and Cornerstone Entertainment/YT