Nagpakawala ng tirada si showbiz insider Ogie Diaz sa mga artistang umaarte lang umano para sa pera.
Sa isang Facebook post ni Ogie kamakailan, pinayuhan niya ang mga artista, lalo na ang mga bumibida sa teleserye, na aralin ang gagampanan nilang karakter.
“Pag may bago naman kayong teleserye, pag-aralan n’yong maigi ang character na ipo-portray n’yo. ‘Wag n’yong iparamdam sa audience na you DO it for the money. Kasi kailangan nyo lang kumita o dahil tinutupad n’yo lang ‘yong pinirmahan n’yong kontrata,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Ibigay n’yo naman ‘yong puso’t kaluluwa n’yo sa trabahong niyakap at pinagkakakitaan n’yo. Dapat, andun ang passion.”
Samantala, inamin naman ni Ogie na hindi rin naman daw siya magaling na artista.
“[B]ut I know one when I see one. Anubeh?! Tapos na ang Pasko, ‘ham’ pa rin ba ang ‘handa’ nyo sa amin?” dugtong pa ng showbiz insider.
Wala namang binanggit na iba pang detalye si Ogie kung sino ang artistang pinatutungkulan niya sa post.