January 25, 2026

Home SHOWBIZ

Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars

Catriona ibinuking katangian nina Anne, Jericho bilang co-stars
Photo Courtesy: Cornerstone Entertainment (IG)

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kung anong klaseng katrabaho ba sina Anne Curtis at Jericho Rosales ngayong nakasama niya ang dalawa sa bagong pelikula ni Irene Villamor na “The Loved One.” 

Sa panayam kasi ng media kay Catriona sa ginanap na press conference ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) noong Martes, Enero 20, nausisa ang pagganap niya sa kaniyang debut film.

“[T]o even be considered for that participation in that film, I was really happy. But also pressured,” saad ni Catriona.

Dagdag pa niya, “I really wanted to do a good job. I don't want to be the weakest link in the film.”

Tsika at Intriga

Flight hindi fight! Jellie Aw, Jam Ignacio nag-celebrate ng anniversary?

Kaya naman sumailalim ang 2018 Miss Universe sa dalawa hanggang tatlong workshops para higit na mapaghandaan ang pagsabak niya sa pag-arte.

Samanatala, nang mausisa sina Jericho at Anne, sabi ni Catriona, “They were so fantastic.”

“Of course, I see Anne a lot in events like this. And for Echo, I'm not really familiar with him. We've run into each other in a few events. But they were both so kind,” dugtong pa niya.

Nakasentro ang kuwento ng “The Loved One” sa dalawang dating magkasintahan na muling magkikita at mapipilitang harapin ang mga hindi naresolbang isyu nila sa isa’t isa.

Matatandaang inilabas na ang teaser trailer nito noong Lunes, Enero 19. Mapapanood naman ang buong pelikula sa Pebrero 11.

Maki-Balita: Catriona Gray, sasabak na sa aktingan sa Anne-Jericho movie