January 25, 2026

Home BALITA

Bilang asawa at public servant: Lani Revilla, nanawagan ng katarungan, respeto sa due process

Bilang asawa at public servant: Lani Revilla, nanawagan ng katarungan, respeto sa due process
Photo courtesy: Lani M. Revilla/FB


Nananawagan para sa katarungan, pang-unawa, at due process si Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla, kaugnay sa kasong graft at malversation na kinahaharap ngayon ng kaniyang asawang si ex-Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., hinggil sa umano’y pagkakasangkot nito sa isang maanomalyang flood control project sa Bulacan.

Sa isang social media post nitong Miyerkules, Enero 21, kinumpirma ni Mercado-Revilla na nasa ilalim na umano ng “judicial review” ang kaso ng kaniyang mister.

“The cases involving my husband, former Senator Bong Revilla, Jr., are now under judicial review,” panimula ni Mercado-Revilla.

Aniya, “As his wife and as a public servant myself, I ask for understanding, fairness, and respect for due process.”

“I would also like to clarify that I have not issued any public statements regarding this matter, and I do not intend to make any public comments moving forward,” dagdag pa niya.

Patuloy daw na umaasa ang kanilang pamilya para sa patas at makatarungang resolusyon kaugnay sa naturang mga kaso.

“Our family continues to draw strength from our faith, and we remain hopeful for a fair and just resolution. Thank you for your understanding,” pagtatapos niya.


Photo courtesy: Lani M. Revilla/FB

Sa usapin ng due process, matatandaang sinabi mismo ni dating senador Bong Revilla na tila wala raw due process ang proseso ng kaniyang kaso.

"Nakakalungkot po parang wala yatang due process. Pero gayunpaman, haharapin ko ito nang walang takot at alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos dahil wala po akong kasalanan dito,” ani Revilla.

MAKI-BALITA: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'-Balita

Resbak naman ng Palasyo, ginagalang nila at nauunawaan nila ang nararamdaman ni Revilla.

"Hindi po ako spokesperson ni dating sena[d]or Bong Revilla. Kung ano man po ang kaniyang nararamdaman ay igagalang po natin. Pero in general, ‘yan po talaga ang magiging opinyon at damdamin ng isang naaakusahan,” saad ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro sa isinagawang press briefing ng PCO noong Martes, Enero 20.

MAKI-BALITA: Palasyo, nag-react sa sinabi ni Revilla na walang due process pag-aresto sa kaniya-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA