January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

Babaeng fish vendor, patay sa leptospirosis; sakit, nakuha raw sa palengke?

Babaeng fish vendor, patay sa leptospirosis; sakit, nakuha raw sa palengke?

Pumanaw ang isang 54-anyos na tindera ng isda sa isang pampublikong pamilihan sa Cagayan de Oro City (CDO) matapos makaranas ng komplikasyon dulot ng leptospirosis.

Natukoy ang biktima na nakapuwesto sa Cogon Public Market. Ayon sa kaniyang asawa, dinala sa ospital ang biktima matapos makaramdam ng karamdaman noong Disyembre 23, 2025 at binawian ng buhay noong Enero 14, 2026. 

Sinabi ng pamilya na ang mga komplikasyon mula sa sakit ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Dagdag pa ng asawa, bago si Mercedes, ang kanilang 24-anyos na manggagawa ay tinamaan din ng leptospirosis ngunit gumaling naman.

Probinsya

₱1.8M halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Bacolod; 2 arestado!

Naiulat na ang insidente sa City Economic Enterprises and Business Development Administration (CEEBDA) na nangangasiwa sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod. 

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang ahensya kaugnay ng alegasyon na maaaring nakuha ang sakit sa bahagi ng palengke kung saan nagtitinda ng isda.

Nakipag-ugnayan na rin ang CEEBDA sa City Health Office (CHO) at iba pang kinauukulang ahensya upang matukoy kung may presensya ng leptospirosis sa lugar. 

Sa kabila ng insidente, tiniyak ng mga awtoridad na patuloy ang pagbabantay dahil sa banta ng sakit lalo na ngayong madalas ang pag-ulan sa lungsod.

Samantala, isang kapwa tindera ng isda ang nagkumpirma na bumaba ang kanilang benta matapos kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanilang kasamahan. Gayunman, tiniyak ng mga vendor sa publiko na malinis at ligtas kainin ang kanilang mga produkto.