Kinumpirma sa publiko ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na nasa kondisyon daw at kayang sumailalim sa paglilitis ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.
KAUGNAY NA BALITA: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'
Ayon kay Remulla, sa isinagawa nilang press conference nitong Martes, Enero 20, sinabi niyang lumabas na “good physical shape” at “capable” na sumailalim si Revilla para sa trial.
“He was found to be in good physical shape and capable of undergoing trial,” pagsisimula niya.
Ani Remulla, maganda raw ang kondisyon ng katawan ni Revilla kahit na 59-anyos na ito.
“Very good health condition. He is 59 [years old] and he is as healthy as a 59 year old could be,” aniya.
Nagawa ring linawin ni Remulla na noon pa raw nakaraang tatlo (3) o apat (4) na taon ang nakalipas tungkol sa larawan ni Revilla na may injury sa kaniyang paa na ibinahagi nito sa kaniyang social media account.
“Dati pa ‘yun. That was three (3) years, four (4) years ago noong na-injure siya noong shooting… pero matagal na ‘yun. He’s been working out. Nakikita ko nga sa alabang, nagjo-jogging pa minsan, e,” saad niya.
“So he’s in good physical shape,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang kusang sumuko si Revilla kasunod ng kaniyang warrant of arrest at hold departure order na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong non-bailable malversation na may kinalaman sa isang maanomalyang flood control project noong gabi ng Lunes, Enero 19, 2026.
MAKI-BALITA: Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'
Bago tuluyang sumuko sa Sandiganbayan nitong Lunes ng gabi, naglabas ng pahayag si Revilla sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa kaniyang Facebook account.
"Nakatanggap po kami ng impormasyon na lumabas na ang aking warrant of arrest. Nakakalungkot po parang wala yatang due process. Pero gayunpaman, haharapin ko ito nang walang takot at alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos dahil wala po akong kasalanan dito,” anang senador.
MAKI-BALITA: Jolo Revilla, dumepensa para sa tatay: 'Katotohanan ang mananaig!'
MAKI-BALITA: Castro, itinangging pagsuko ni Revilla ang simula ng pagpapanagot sa mga big fish: ‘Halos nasa gitna na nga!’
Mc Vincent Mirabuna/Balita