January 26, 2026

Home SHOWBIZ

Rita Avila, naaawa sa patuloy na pagbulusok ng skills ng mga estudyanteng Pinoy

Rita Avila, naaawa sa patuloy na pagbulusok ng skills ng mga estudyanteng Pinoy
Photo Courtesy: Rita Avila (FB), via MB

Nagbigay ng reaksiyon ang aktres na si Rita Avila hinggil sa kondisyon ng mga estudyanteng Pilipino sa bansa. 

Sa isang Facebook post ni Rita noong Lunes, Enero 19, makikitang ibinahagi niya ang title pubmat ng ulat mula sa isang news outlet.

Nakasaad dito na ayon umano sa datos ng Department of Education (DepEd) mula 2023 hanggang 2025, makikita na 70% ng mga estudyante sa Grade 3 ang patuloy na nahihirapan sa mga batayang kakayahan. 

Sey tuloy ni Rita, “Kawawa naman ang mga bata. Kawawa ang mga magulang na gumagastos. Kawawa rin ang mga guro na mababa ang sahod. Kawawa ang ating bansa.”

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

“Dami pa namang walang alam na sila pa ang maingay at galit,” dugtong pa ng aktres.

Kabilang umano sa mga batayang kakayahang tinutukoy ng DepEd ay ang kakayahang kumilala ng letra at tunog, bumasa ng mga karaniwang salita, umunawa ng mga simpleng parirala, magbilang, o gumawa ng mga simpleng numerical problem-solving.