January 24, 2026

Home BALITA Metro

Nasagip na dambuhalang sawa sa Maynila, namatay sa stress

Nasagip na dambuhalang sawa sa Maynila, namatay sa stress
Photo courtesy: Sampaloc Fire Station via TV Patrol (FB screenshot)

Namatay dahil sa stress ang nailigtas na dambuhalang sawa matapos itong mamataan sa isang abandonadong bahay sa Sampaloc, Maynila, kamakailan. 

Ayon sa ulat ng TV Patrol noong Lunes, Enero 19, pinagtulungang sagapin ng mga bumbero mula sa Sampaloc Fire Station ang reticulated python noong gabi ng Linggo, Enero 18.

Dahil tinatayang 8 hanggang 10 talampakan ang haba ng sawa, limang bumbero ang kinailangan na magbuhat dito mula sa kisame ng abandonadong bahay at mailagay sa sako. 

“Medyo pumapalag siya tsaka sensitive siya sa environment. Medyo aggressive rin siya,” saad ni SFO2 Michael Yalung sa TV Patrol. 

Metro

QC gov't magbibigay ng hanggang ₱160K scholarship sa mga estudyante ng Filipino, Panitikan

Gayunpaman, namatay na ang sawa bago pa man ito mai-turnover sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa dapat mas tamang pangangalaga rito. 

Sean Antonio/BALITA