Walang pag-aalinlangang itinanggi nina Sen. Imee Marcos at Sen. Rodante Marcoleta na sila raw ang pinatutungkulan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson sa sinabi nitong “shut the F up” sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Enero 19, 2026.
“Let this serve as a warning to skeptics, detractors, and hijackers who exploit the vulnerabilities and anger of our people to deepen the fault lines of our nation during these trying times… With all that said, as a Chairman of the Blue Ribbon Committee, I say to you, shut the “F” up,” buwelta ni Lacson sa nasabing pagdinig.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Shut the F up!’ Sen. Ping, minura skeptics, hijackers na nananamantala sa galit ng Pinoy sa flood control mess
Ayon naman sa isinagawang magkasabay na press conference nina Marcos at Marcoleta nitong Martes, Enero 20, unang sinabi ni Marcos na palagay raw niyang hindi siya ang binuweltahan ni Lacson.
“Sa palagay ko, hindi naman ako ‘yon kasi alam ng kahit sinong senador na hindi puwedeng utusan ang kapuwa nilang senador,” pagsisimula niya.
Ani Marcos, hindi raw puwedeng umastang hari o reyna ang mga senador sa Senado.
“Sa Senado, hindi naman puwedeng maghari-harian o magreyna-reynahan,” aniya.
Kasunod na tugon naman ni Marcoleta, sigurado raw niyang hindi rin siya ang pinatungkulan ng kapuwa nila senador.
“Palagay ko hindi rin ako ‘yon… at alam kong hindi ako ang pinatutungkulan niya,” direktang sagot ni Marcoleta.
Kaugnay ito ng naging pambungad na speech ni Lacson bago magsimula ang isinagawa nilang pagdinig sa SBRC noong Martes.
“Your noise will not silence the truth neither does it provide any help in our investigation. Your noise cannot convict and won’t even indict the manufacturer in this flood control mess. Only evidence does,” ‘ika ni Lacson.
Ani Lacson, pagiging insensitibo raw ang pangangalandakan ng ilang mga indibidwal na isang inutil at walang silbi ang SBRC at insulto sa mga Pilipinong nakasubaybay sa pag-iimbestiga nila sa nasabing anomalya.
MAKI-BALITA: ‘Shut the F up!’ Sen. Ping, minura skeptics, hijackers na nananamantala sa galit ng Pinoy sa flood control mess
MAKI-BALITA: Marcoleta, Fadullon nagkasagutan dahil sa restitution ni Discaya para sa WPP
Mc Vincent Mirabuna/Balita