Tila may pagganti ang Kapamilya actor na si Enrique Gil sa kaniyang dating kasintahan na si dating Kapamilya actress Liza Soberano.
Ito ay matapos mapaulat ang pag-unfollow ni Liza sa kaniya sa Instagram (IG), kasama na ang “rumored boyfriend” nitong si Jeffrey Oh, na dating CEO at kasosyo ni James Reid sa Careless.
MAKI-BALITA: Ekis na pareho? Liza Soberano, in-unfollow sa IG ex-jowang si Enrique Gil, ‘rumored bf’ na si Jeffrey Oh-Balita
Napansin ito ng netizens, na siyang pinag-usapan sa social media—at napaulat pa nga sa Fashion Pulis.
Dahil dito, minabuti ng Balita na kumpirmahin ang mga katotohanan sa likod ng mga impormasyong ito.
Matapos bisitahin ng Balita ang “IG following list” ng aktor, talaga ngang wala na ang pangalan ni Liza roon.
Photo courtesy: enriquegil17 via Fashion Pulis
Matatandaang kamakailan, isiniwalat ni Liza ang katotohanang ukol sa kanilang relasyon. Inamin ng aktres na matagal na pala silang hiwalay ni Enrique, na siyang ibinunyag niya sa isang podcast.
“I’ve been honestly itching to tell people this because I haven’t been very truthful. Quen hasn’t been very truthful. Quen and I broke up. But yeah, we’ve been broken up for almost three years now. And the reason, well, originally the reason why we haven’t said anything about it is because Enrique or Quen asked me not to say anything about it first,” saad ng aktres sa podcast na “Can I Come In,” isang podcast-cinema-documentary sa YouTube.
MAKI-BALITA: ‘He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split! -Balita
Vincent Gutierrez/BALITA