Kilig to the max ang mga netizen sa paglalaro ng pickleball nina Kapuso star Katrina Halili at dating karelasyong singer na si Kris Lawrence, sa isang commercial pickleball court sa Meycauayan, Bulacan.
Ibinida ni Katrina sa social media posts ang paglalaro nila ng pickleball, ng dating jowa at ama ng anak na si Katie. Kasama rin nila ang anak sa paglalaro.
Ayon kay Katrina, unang beses daw niyang sumubok na makapaglaro ng nabanggit na sports.
"Na subukan na rin mag pickleball," aniya, sa Facebook post noong Lunes, Enero 19.
Sa isa pang Facebook post mula sa isa pa niyang verified social media account, ikinuwento ni Katrina na napadaan si Kris sa court para sunduin ang anak nila. Napalaro na lang daw tuloy nang di-oras ang dating karelasyon.
"Good morning! First time to try pickleball, salamat [coach] joey and coach John John Altiche dahil hindi sanay ayan hingal is life. Sumama si Kris Lawrence dahil susunduin niya si katie after naexcite din kaya naglaro na din," sey ni Katrina.
Sa isa pang post, nagpasalamat si Kris sa pagsama niya sa kanilang dalawa ng anak sa pickleball bonding nila.
Kinuyog naman ng mga netizen ang comment section ng post na pawang kinikilig sa bonding moment ng ex-couple.
"ayiiieeee sobrang kilig ko sa inyong dalawa grabe na to,sana magka balikan na kayong dalawa mga Lods"
"Pakipanindigan po kilig namen sana"
"Nkailang ulit aq panuorin hehe ang sweet"
"Eh kung magkabalikan na kayo hahaha"
"kayo na lang ulit madami na kayong pinapakiliggg isa na ako"
Samantala, ilan naman sa mga komento ang direktang sinagot ni Katrina.
"grabe ung caption sa huli .. may pag explain uu na mhii naintindihan nmin susunduin lng c katie," sey ng isang netizen.
Sagot naman ni Katrina, "yes! Dapat ganun."
Komento pa ng isang netizen, "Bakit parang my something na?? Lagi na kayo magkasama at pinopost nyona mga ganap nyo dalawa."
Tugon naman ni Kat, "yan po kasi ang gusto nyo nagkataon lang bonding kasi si Kris Lawrence kay katie aalis kasi sya end of jan may tour."
Noong 2014, nagwakas ang five-year relationship nina Katrina at Kris, pero na-maintain naman nila ang magandang co-parenting relationship para kay Katie.
Sa kasalukuyan, wala pang napababalitang bagong karelasyon ang dalawa.