Talagang hindi nagpakabog ang Optimum Star na si Claudine Barretto sa pagbibigay ng effort sa kaarawan ng ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez.
Sa isang Instagram post ni Claudine noong Lunes, Enero 19, mapapanood ang video ng surprise dinner na pinasinayahan ni Claudine para kay Mark.
“Happy Birthday, M.A. Fernandez. Surprise!!!!. Thank you, Chef N & Ms.Anne of illos! Best birthday daw nya ever!” saad ni Claudine sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Possible ba magkabalikan sila? Or may wife ba si mark"
"Ms.Claudine may not be perfect, but we can't deny na may mabuti cyang puso"
"Naiiyak Ako Kay mark nasayang Buhay nya cguro dhil mga magulang may kanyakanyang pamilya nramdaman ko din Yan,happy birthday mark ,bagong Buhay at bagong pagasa, godbless at sana ayusin mo na Buhay mo"
"Ay gusto ko to HBD, MAF!"
"Ang sarap nila tingnan..sana madali maging frens sa Ex..hehe"
"prang bumabalik ung mukha nya don sa kelangan kita at dubai na movie"
"Haha yung mata ni mark nung mag wiwish na sya hahaha. Halata lang"
"Bait naman ni mam Clau hehe"
"Ang sweet ni Claudine"
"Grabe ang GANDA AT GWAPO nyo pa din dalawa love you both"
Bago ito, nauna na ring binati ni Claudine si Mark na may kasama pang “I luv u” sa pamamagitan ng social media post.
Matatandaang nagsimulang mabuo ang relasyon nina Claudine at Mark noong 1995 matapos nilang gawin ang pelikulang “Pare Ko.” Ngunit naghiwalay rin sila makalipas ang isang taon.
Maki-Balita: Pwede pala? Claudine, nag-’I luv u’ kay Mark Anthony kahit ex na
Sa kasalukuyan, pareho nang hiwalay sa asawa ang dalawa.