January 24, 2026

Home SHOWBIZ

Catriona Gray, walang palya ang adbokasiya sa sining; 7 taon nang NCCA arts ambassador

Catriona Gray, walang palya ang adbokasiya sa sining; 7 taon nang NCCA arts ambassador
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA

Patuloy pa rin sa pagtataguyod ng sining si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang arts ambassador ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Sa ginanap na press conference at stakeholders' launch ng NCCA sa Centro de Turismo nitong Martes, Enero 20, kabilang si Catriona sa mga lupong dumalo sa nasabing pagtitipon.

Sa katunayan, nagbigay pa nga siya ng espesyal na mensahe para sa mga artist na madalas sinusukat ang halaga ng kanilang likha batay sa dami ng engagements sa social media.

Ani Catriona, “Minsan kasi sa pursuit of art, it can feel a little bit frustrating, mas lalo sa society ngayon na we like to measure the impact through likes, shares, and engagement."

Tsika at Intriga

'Di nila gets ang pressure!' Mikee Quintos, inungkat 'pabigat' issue sa group work noong college

“And when you're creating something that is so dear to you,” pagpapatuloy pa niya, “that feels so personal, that you birthed something into this world, and there is no engagement, or maybe it's not shared by a hundred people online, it can feel, what am I making this for.“

Pero may mga mahahalagang sandali umano sa buhay—mapa-artist man o hindi—na makakasaksi ang isang tao ng likhang sining at makakakonekta siya rito. 

“Maybe it encouraged you in what you're going through. Maybe as an artist, it made you feel like this type of art can exist. Or maybe it made you feel something. Sometimes that is enough for us to be encouraged in our pursuit of art,” saad ng NCCA arts ambassador.

Kaya naman hinikayat ni Catriona ang lahat na ipagpatuloy lang ang paglikha dahil posibleng may isang tao na mabago o maapektuhan ang buhay sa pamamagitan ng sining.

Matatandaang ito na ang ikapitong taon ni Catriona bilang NCCA Ambassador for Arts. Nagsimula ito noong 2020 kasama sina KZ Tandingan at Julie Anne San Jose na noo’y NCCA Ambassadors for Music.