Nakatakdang mapanood sa pelikula si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa inaabangan na reunion film nina Jericho Rosales at Anne Curtis sa darating na Pebrero 11.
Sa Instagram post ng Cornerstone Studios noong Lunes, Enero 19, makikita ang ilang stills ng eksena ni Catriona sa pelikula.
“Catriona Gray enters the big screen with her acting debut in The Loved One, bringing a queenly crossover to the film’s highly anticipated release; first teased through her surprise appearance in the official trailer,” Saad ng Cornerstone Studios sa caption nito.
Sa latest trailer ng The Loved One, ipinapasilip ang muling pagkikita ng dating magkasintahan, na ginagampanan nina Jericho at Anne, at ang naging pagsasama nila sa mga panahong magkarelasyon pa sila.
Sean Antonio/BALITA