January 24, 2026

Home BALITA National

Atong Ang, nasa proteksyon umano ng ilang mga pulis?

Atong Ang, nasa proteksyon umano ng ilang mga pulis?
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may ilang mga opisyal ng kapulisan ang tumutulong sa pagtatago ng negosyante at most wanted person ngayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) na si Atong Ang.

Ayon sa naging pahayag ni Chief of the Public Information Office (PIO) at PNP Spokesperson na si PBGEN Randulf T. Tuaño sa Camp Crame noong Lunes, Enero 19, sinabi niyang nakipag-ugnayan na raw sila sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) para kunin ang pagkakakilanlan ng mga opisyal na nagpoprotekta kay Ang.

KAUGNAY NA BALITA: Walang piyansa! Atong Ang, iba pa pinapaaresto na

“Meron po [sanction ang PNP]. Sa katunayan nga, last week pa po ‘yan na binigyan ng instruction ng ating Chief PNP ‘yong atin pong DIBM kung saan kinuha po nila ‘yong profile ng mga indibidwal po sa atin pong DPRM [Directorate for Personnel and Records Management],” pagsisimula niya.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Ani Tuaño, pinag-aaralan na rin daw nila kung ano ang mga posibleng administrative at criminal sanctions na maaari nilang isampa sa mga pumoprotekta kay Ang.

“At pinag-aaralan kasama po ‘yong ating legal service kung ano po ‘yong mga administrative at posibleng criminal sanctions po ng mga nabanggit o identified na mga indibidwal,” aniya.

Nilinaw naman ni Tuaño na wala pa raw silang opisyal na kabuuang bilang ng mga opisyal na tumutulong sa pagtatago ni Ang maliban sa na-identified na nilang mga indibidwal.

“Wala pa po [kabuuang bilang] maliban doon sa na identified na po natin at patuloy pa po na inaalam kung ilan pa po ‘yong mga posibleng tumutulong sa kaniya [Atong Ang],” paliwanag niya.

Pagpapatuloy ni Tuaño, kapuwa mga aktibo at ilang mga retiradong opisyal ng kapulisan umano ang tumutulong sa nasabing negosyante upang mahuli ng mga awtoridad.

“Kasama po ‘yon, Ma’am, doon sa kautusan ng ating Chief PNP sa impormasyon na nakuha natin—’yong may mga active at mga retired na tumutulong po sa nasabing personalidad,” pagtatapos pa niya.

MAKI-BALITA: May ₱10M patong sa ulo: Atong Ang, isa na sa mga 'most wanted' sa Pilipinas!

MAKI-BALITA: Bakbakan na? ‘320k na mga pulis, magkakasa ng 'manhunt op' kay Atong Ang!’—SILG Remulla

Mc Vincent Mirabuna/Balita