January 24, 2026

Home BALITA Metro

Aspin, patay sa taga matapos magtangay ng panindang karne

Aspin, patay sa taga matapos magtangay ng panindang karne
Photo courtesy: TV Patrol (FB screenshot), Caloocan City Veterinary Department (FB)

Namatay ang isang asong Pinoy o aspin matapos itong saksakin ng isang meat vendor matapos nitong tangayin ang ilang pirasong karne, kamakailan. 

Makikita sa CCTV footage sa isang palengke sa Caloocan City na hinabol ng saksak ng meat vendor ang aspin, matapos itong lumapit sa plastic crate na may mga laman na panindang karne at nagtangay ng isang piraso mula rito. 

Nakatakbo pa ng ilan metro palayo ang aso bago ito tuluyang napahinto dahil sa tinamong sugat.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, halos dalawang oras ang nakalipas bago na-rescue ng mga pulis ang aso at nadala sa Caloocan City Veterinary Department.

Metro

Kinasuhang sekyu dahil sa paghagis ng tuta sa footbridge, hinatulang guilty!

“Hindi kasalanan ng hayop kung bakit siya nandoon sa kalsada, survival instinct ng aso, maghahanap ‘yan ng pagkain,” saad ni Dr. Teodoro Rosales, ang City Veterinarian ng Caloocan local government (LGU) sa TV Patrol. 

Aniya pa, posible rin daw na managot ang may-ari ng aso sa pagkamatay nito kung mapatunayang nilabag nito ang Animal Welfare Act. 

“Iyon may-ari, ang pananagutan niya, siyempre bakit niya pinababayaan? Mayroon tayong batas, national law and local ordinance na bawal magpakawala ng mga alagang hayop outside their property,” ani Teodoro. 

Naglabas naman ng “fact-finding investigation report” ang Caloocan City Veterinary Department noong Lunes, Enero 20, hinggil sa nasabing insidente. 

“The City Veterinary Department conducted a fact-finding investigation on January 14, 2026, regarding an alleged animal cruelty incident that occurred on January 7, 2026, in Barangay 154, Malolos Street, Bagong Barrio, Caloocan City,” saad sa pahayag ng Veterinary Department. 

Base raw sa CCTV footage ng Barangay 154, nakita dumaan ang aso sa nasabing meat store noong 6:22 AM ng Enero 7. 

Ilang minuto ang nakalipas, nakitang bumalik ang aso na may tangay nang plastic bag na naglalaman ng karne. 

Dito ay nakitang hinabol na ng meat vendor ang aso para saksakin, na nagdulot para magtamo ng sugat ang aso.

“Based on the CCTV footage of Barangay 154 dated January 7, 2026, at approximately 6:22 AM, a dog was seen passing by a meat store allegedly owned by the suspect. Moments later, the dog returned and grabbed a plastic bag containing meat from a yellow crate. After the dog successfully took the plastic bag of meat, the suspect was observed attacking the dog with a knife, resulting in a serious injury to the dog’s left forelimb,” saad ng Veterinary Department. 

Ani pa rito, nakita ng isang witness na gulat at sugatan ang aso, kaya ilang segundo itong humiga sa kalsada. 

“The dog appeared shocked and wounded, with visible bleeding. A man riding a Yamaha NMAX motorcycle, considered a possible witness, was also seen reacting to the incident. The witness followed the dog, which later lay down for several seconds due to the injury it sustained,” saad ng Veterinary Department.

Mga bandang 6:30 AM, muling nakita na dumampot ng karne ng manok ang aso mula sa isang motor sa kabila ng sugat nito, gayunpaman, hindi ito sinaktan ng may-ari ng motor. 

Saktong 6:37 AM sa kaparehong araw, nakita na muling dumaan ang aso sa tindahan ng karne. 

Dito ay naobserbahan na nakahanda na muling umatake ng saksak ang meat vendor. 

“At around 6:30 AM, the same dog was again seen grabbing a piece of chicken meat from a motorcycle while still injured. The motorcycle owner did not attempt to harm the dog,” ani ng beterinaryo. 

“At approximately 6:37 AM on the same date, CCTV footage further showed the dog passing by the same meat store again. During the instance, the suspect was observed displaying aggressive behavior toward the dog and appeared to be preparing to attack it with a knife for the second time,” dagdag pa nito. 

Ipinanawagan din dito ng departamento sa publiko na makipag-ugnayan sa mga awtoridad hinggil sa kaalaman nila sa impormasyon ng meat vendor, na suspect na sa pagkamatay ng aso. 

Ibinahagi rin ng departamento na mariin nilang kinokondena ang anumang akto ng karahasan sa mga hayop, alinsunod sa Animal Welfare Act. 

Sean Antonio/BALITA