January 24, 2026

Home BALITA National

'Allow the justice system to work!' Jolo Revilla umapela sa publiko, media para sa ama

'Allow the justice system to work!' Jolo Revilla umapela sa publiko, media para sa ama
Photo courtesy: Jolo Revilla (FB)/via MB

May panawagan si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla kaugnay sa ginawang kusang pagsuko ng amang si dating Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa mga awtoridad kaugnay sa "non-bailable malversation case" na isinampa laban sa kaniya, na nag-ugat sa maanomalyang flood control projects.

Sumuko sa mga awtoridad si Revilla, gabi ng Lunes, Enero 19 at nagawa pang makapag-live upang mag-iwan ng mensahe sa kaniyang mga kababayan at tagasuporta.

Nitong Martes, Enero 20, dinala sa Sandiganbayan sa Quezon City si Revilla, at ayon sa 3rd division nito, pansamantalang ikukulong ang senador-aktor sa New Quezon City Male Dormitory sa Payatas. Dumagsa ang mga tagasuporta ng dating senador sa labas ng Sandiganbayan upang ipakita ang kanilang pagsuporta at pagmamahal kay Revilla.

Ayon kay Rep. Revilla, sa kaniyang Facebook post nito ring Martes, ang desisyon ng kaniyang amang kusang sumuko ay isang sinadyang hakbang upang harapin nang direkta ang mga paratang laban sa kaniya at patunayan ang tiwala nito sa mga institusyong panghukuman ng bansa.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Aniya, hindi ito anyo ng pag-iwas kundi malinaw na pagpapakita ng kahandaang humarap at linisin ang pangalan sa tamang lugar—sa loob ng korte.

Binigyang-diin ng mambabatas na naniniwala ang dating senador na sa hukuman nararapat resolbahin ang mga isyu, kung saan ang mga katotohanan at ebidensiya ang mananaig kaysa sa haka-haka at espekulasyon.

Dagdag pa niya, mahirap para sa kanilang pamilya ang sitwasyon, subalit bilang isang halal na opisyal ng bayan, kinikilala niya ang kahalagahan ng pananagutan at ng integridad ng due process.

"The decision of my father, Ramon Bong Revilla, Jr., to voluntarily submit himself to the authorities was a deliberate step to confront the accusations head-on and to affirm his faith in our legal institutions," aniya.

"Hindi ito pag-iwas, kundi pagharap. He believes that the proper place to resolve these issues is inside the courtroom, where facts matter and the law speaks louder than speculation."

"As a son, this is a difficult moment for our family. As a legislator, I recognize the importance of accountability and the integrity of due process. In this light, we respectfully call for fairness—fair treatment under the law, fair judgment based on evidence, and fairness in public discourse that refrains from trial by publicity," aniya.

Nanawagan si Rep. Revilla sa publiko at sa media na igalang ang proseso ng batas at bigyang-daan ang hustisya na umiral nang walang panggigipit, ingay, o maagang paghusga.

Hiniling din niya ang patas na pagtrato sa ilalim ng batas, makatarungang paghatol na nakabatay sa ebidensiya, at responsableng diskurso sa publiko na iwas sa tinatawag na “trial by publicity.”

"I therefore ask the public and the media to allow the justice system to work—without pressure, noise, or premature conclusions," aniya.

Sa huli, nagpasalamat ang pamilya Revilla sa patuloy na panalangin at malasakit ng mga taong nananatiling naniniwala sa isang patas at makatarungang paglilitis. Ayon pa sa kongresista, buo ang kanilang paniniwala na sa tamang panahon, ang katotohanan ang siyang mananaig.

Kaugnay na Balita: Jolo Revilla, dumepensa para sa tatay: 'Katotohanan ang mananaig!'