Diretsahang nagpahayag ng kaniyang sentimyento ang social media personality na si Bea Borres kaugnay sa isang viral Facebook post na ibinahagi niya noong Linggo, Enero 18.
Laman kasi ng naturang post ang isang transwoman na tila pabirong sinabi na siya ay nireregla at kasalukuyang nagdadalantao.
“Sa lahat po ng nagtatanong kung nag reregla ba ako as a transwoman living as a woman, yes po, ngayon buntis ako! Lahat kayo invited sa viewing pag panganak ko, next month na po! Dapat habang iniiri ko to, andun kayong lahat ha? Thank you sa support madi! #transwomen #transwomenarewomen #transwoman,” saad sa post.
Photo courtesy: Vitchisa/FB via Bea Borres/FB
Mababasa naman sa latest social media post ni Bea ang buwelta niya sa naturang post.
“As someone who experienced a difficult pregnancy, I find this very disrespectful. Biological women and trans women have fought for equality for many years. so let’s not mock each other,” komento ni Bea.
Photo courtesy: Bea Borres/FB
Umani ito ng samu’t saring mga komento at pahayag mula sa netizens na tila naka-relate sa sinabi ng social media personality.
“Exactly!!! Ako muntik na ma eclampsia nung nanganak ako dahil sa taas ng bp tas sinalinan pa ng dugo cguro pag nranasan nila yan sasabihin nla babalik cla sa pagiging lalaki ulit”
“I agree with this. As a mother who experienced a life-threatening delivery, this topic can be triggering. Let’s be kind to one another”
“pano rerespetohin ang kagaya namen, kung ang babae dapat ang ang una nirerespeto dahil sila yung madalas nahihirapan”
“True nakakadispoint sila tapos hihingi pa yan ng respeto pero tayong babae minamock nila”
“akala siguro nya ganun ganun lang ang nireregla at simple lang mag buntis...hindi nila alam ang hirap ng isang babae tapos ipipilit nilang ituring silang tunay na babae, tanggap na nga namin na babae kayo sa puso nyo pero huwag nyo naman sanang icompare ang hirap ng isang babae sa kalagayan nyo.”
“Iniisip ko nga kung maranasan kaya nila hirap ng dysmenorrhea nahlos mahimatay ka sa sakit at sakit ng panganganak gugustuhin pa kaya nila maging babae?? Kung ako lang papapiliin mas gusto ko nalang maging lalaki.”
Matatandaang bukal na inihayag ni Bea sa kaniyang social media account ang aniya’y hirap na dinanas niya habang siya ay nagdadalantao.
"I share my hardships not because I regret anything but because this is my reality. I want other girls, and one day my daughter, to understand how important it is to love yourself and choose better," saad ni Bea.
MAKI-BALITA: Bea Borres sa pagbubuntis sa murang edad: 'Babae talaga ang talo rito'-Balita
“So I have [a] high-risk pregnancy kasi. Lord, just make my baby healthy […] kasi […] hindi na ako magiging malandi, ‘cause this is so hard!” ani Bea sa hiwalay na pahayag.
MAKI-BALITA: 'Hindi na ako magiging malandi!' Bea Borres, may dasal dahil sa high-risk pregnancy-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA