January 24, 2026

Home BALITA

Usec. Castro sa Solon na naghain ng impeahcment kay PBBM: 'Isa sa walong contractors na nabanggit ng ICI!'

Usec. Castro sa Solon na naghain ng impeahcment kay PBBM: 'Isa sa walong contractors na nabanggit ng ICI!'

Binuweltahan ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro si Pusong Pinoy Party-List Rep. Jett Nisay, matapos nitong ikasa ang kauna-unahang impeachment case laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Inindorso ni Nisay ang impeachment complaint laban kay Marcos na naglalaman ng mga paratang ng graft and corruption, culpable violation of the Constitution, at betrayal of public trust.

KAUGNAY NA BALITA:  Solon, naghain ng impeachment complaint vs PBBM sa Kamara!

Sa panayam ng media kay Castro nitong Lunes, Enero 19, 2026, binanatan niya ang kaugnayan umano ni Nisay sa mga kontrobersyal na kontraktor na pinangalanan noon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

National

Zaldy Co, kailangan munang umuwi ng bansa kung nais tumestigo vs PBBM—Rep. Luistro

Maki-Balita: ‘We respect the process!' Palasyo tanggap, impeachment laban kay PBBM

“Ang partylist na nag-endorse ay isa sa walong contractors na nabanggit ng ICI,” saad ni Castro.

Kaugnay naman ng komento niya sa mga reklamong nakapaloob sa impeachment complaint ni Nisay, sagot ni Castro, “Sa ngayon... masasabi nating ito ay walang basehan.”

Samantala, ayon sa mga ulat, pagmamay-ari ni Nisay ang JVN Construction and Trading na kumubra ng ₱73 milyong kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), bago pa man siya naging kongresista .

Noong 19th Congress, hawak at miyembro si Nisay ng ilang komite katulad ng sports, agriculture at youth and sports development.

Habang nitong 20th Congress nang malipat siya sa minorya ng Kongreso at kasalukuyang deputy minority leader.