January 25, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na
Photo Courtesy: Richard Gutierrez, Barbie Imperial (IG)

Kinumpirma na mismo nina Kapamilya stars Richard Gutierrez at Barbie Imperial ang matagal nang bulung-bulungan tungkol sa real-score nilang dalawa.

Sa eksklusibong ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Enero 19, nilinaw umano ni Barbie na hindi nila tinatago ni Richard ang kanilang relasyon.

Ani Barbie, “Can I just say that we weren’t hiding? We just chose to have a private relationship talaga, cause we know na ayaw namin ng, even I... What people don’t know they can’t ruin.”

“I agree from the beginning, gano’n talaga,” segunda naman ni Richard.

Relasyon at Hiwalayan

'May nanalo na!' Yasser Marta, tumuka sa pisngi ni Robb Guinto

Dagdag pa niya, “We want to keep things private. Mas relaxed 'yong gano’n, mas gusto namin 'yung gano’n.”

Kung gayon, batay sa mga naging pahayag na ito ng dalawa, ipinapahiwatig nilang may something nga talaga between them.

“Sabi nga niya [Richard] sa isang interview ni Tito Ogie [Diaz], what you see is what you get? Yeah, 'yon na 'yon,” anang aktres.

Sinabi ito ng dalawa matapos ianunsiyo ang tungkol sa kanilang upcoming action-drama series “Blood vs Duty.”

Ayon kay Richard, matagal na raw nilang iniisip ni Barbie ang posibilidad na makatrabaho ang isa’t isa. Kaya naman nagpaabot siya ng pasasalamat sa ABS-CBN sa pagsasakatuparan nito.

Sabi niya, “Thanks to ABS-CBN, we were given the opportunity to work together.” 

Matatandaang nagsimula ang intrigang may namamagitan kina Richard at Barbie matapos lumutang sa social media ang picture nila nang magkasama sa South Korea.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

Sa isang panayam noong Enero 2025, binasag ni Richard ang kaniyang katahimikan tungkol sa namamagitan sa kanila ni Barbie. Nilinaw din niyang hindi ito ang third party sa relasyon nila noon ng misis niyang si Sara Lahbati.

MAKI-BALITA: Barbie Imperial, hindi 'third party' kina Richard at Sarah